Monday , November 25 2024

Dapat protektahan ang mga bata at kababaihan mula sa karahasan sa Internet ayon kay Legarda

Nais ni Antique Representative at kandidata sa pagka-Senadora na si Loren Legarda na lalong gawing mas istrikto ang implementasyon ng mga batas na naglalayong ipagtanggol ang mga bata at kababaihan mula sa karahasan, pambabastos, at pang-a-abuso sa internet.

“Easy access to the internet and technological advancements have now been utilized by unscrupulous individuals for illegal activities preying on the vulnerability and innocence of women and children,” sabi ni Legarda.

“The Internet is supposed to make life easier and help get things done faster, but we cannot deny the existence of those who take advantage of technological advancements to spread false information and to use it as an avenue for human trafficking and abuse,” kanyang iginiit.

Ika ni Legarda, na marami na ring nailathalang batas na ukol sa karapatang pangkababaihan at sa proteksyon sa mga kabataan, na bagamat may mga batas kagaya ng Magna Carta for Women, Anti-Violence Against Women and Children Act, at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, marami pa ring nagiging biktima.

“We have diligently toiled to enact vital pieces of legislation to protect the rights of women and children and to promote their welfare. The greater challenge is to effectively implement these laws and educate them on their rights. Filipino women and children around the country should be aware that they are sufficiently protected under various laws,” kanyang ipinaliwanag.

Dapat din daw na ma-update ang ating kapulisan sa mga makabagong paraan upang mas madaling mahuli ang mga tinatawag na “predator” na nambibiktima ng mga walang kamalay-malay ng kabataan at kababaihan.

Idanagdag ni Legarda na dapat rin daw tayong lahat na manawagan upang marinig ang ating mga hinaing, para rin madagdagan ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mga modus. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at pagpapatibay ng pulisya, mas may laban ang mga mamamayan at awtoridad.

“Let us save our women and children, give them a life free from abuse and violence because they deserve to live their lives peacefully and securely,” panapos ni Legarda.

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …