WITH the voluntary surrender of the alleged mastermind behind the P10-B pork barrel scam na si Janet/Jenny Lim Napoles, gusto na lang naming isipin that there’s a beacon of hope that awaits every Juan de la Cruz para makamit ang hustisya kapalit ng ninakaw nitong kuwarta mula sa mga buwis ng bawat mamamayang Filipino kasabwat ang ilang mga mambabatas.
Ganap na 9:47 p.m. ng August 28 nang sumuko si Napoles kay Pangulong Noynoy Aquino, the very same day nang mag-anunsiyo ang Palasyo ng pabuyang P10-M nakapatong sa ulo nito na pinananagot sa P10-billion na nakurakot nito sa mga pekeng NGO.
Now that the manhunt is over, Napoles’s surrender is one major step ahead para matugis ang kanyang mga katransaksiyong mambabatas who—if found guilty of conspiracy—should step down sa ngalan ng delicadeza, that is, kung taglay nila ito.
But enough of dwelling on this subject as it’s all over every media outlet.
Kilalang “subscriber to fate” ang mga Pinoy, hence we see long queues sa bawat lotto outlet na umaasa ang bawat nakapila roon ng suwerte—no matter how elusive—na makapagpapabago ng kanilang buhay.
This rags-to-riches dream is somehow hinted at too many forecast jumbled numbers that come in abstract forms sa mga pahayagan, na posibleng lalabas sa winning six-number combination ng lotto.
Karaniwan nang tinatayaan ng isang bettor ang mga numerong may kaugnayan sa kanyang personal na buhay, mapa-birthday ng sinumang mahal sa buhay o nakursunadahang numero lang na biglang pumasok sa kanilang utak o sadyang inaalagaang numero.
Perhaps, enough of all this “superstitious mumbo-jumbo.”
Who knows, baka sakaling mabawi natin ang umano’y nakulimbat ni Napoles sa pamamagitan ng lotto sa mga numerong ito na kaugnay sa kanya, in no particular order: 10 (halaga ng bilyong scam), 9 (alas nuwebe ng gabi ng kanyang pagsuko), 37 (minuto), 8 (August being the eighth month), 28 (araw ng kanyang pagsuko), at 13 (sa taong 2013).
That completes your six-digit combination!
Drilon, friendship din ni Janet Napoles?
SA mga pahina man ng showbiz sa diyaryong ito mababasa ang aming kolum, it does not mean that we owe our readers news tungkol sa mga artista. At times—if need be—showbiz writers cross over and beyond entertainment topics lalo’t ang paksa is of national interest.
Mula sa aming reliable source, there’s more to Janet Lim Napoles’s background than meets the eye. Lingid sa kaalaman ng mga nanggagalaiting sambayanan sa tinaguriang Ultimate Scam Queen, what has been reported or documented tungkol sa kanyang pinagmulan sa Basilan sa Mindanao is just a tiny fraction ng kanyang buhay.
Ayon sa aming source, may dalawang mahahalagang petsa sa bawat taon ang ipinagdiriwang ni Napoles in one venue: ang Heritage Park, ang pamosong himlayan para sa mga mayayaman nating kababayan. Ito ay February 28, kaarawan ng kanyang nasirang ina at December 20.
Janet/Jenny so loves her mom that she hosts a lavish banquet at the Heritage Park in loving memory of her mother. Ilan sa attendees daw roon ay may mga sinasabi sa lipunan, kung saan sako-sakong pera umano ang bitbit ni Napoles na kanyang ipinamamahagi. Payat daw ang P50,000 sa bawat attendee.
Since Christmas is a season of giving, ayon pa rin sa aming source ay doble ang bigayan sa mga pumupunta sa Heritage Park, make it P100k. Kabilang daw sa mga “wagi” rito ay mga kilalang personalidad na sa halip na nasa kani-kanilang mga tahanan kasama ang kanilang mga pamilya in celebrating pre-Christmas ay nakasahod ang mga palad sa grasya ni Napoles.
Totoo nga bang isa roon ay si Senate President Franklin Drilon?
Ronnie Carrasco III