RATED R
ni Rommel Gonzales
ISA na namang natatanging pagganap ang hatid ni Barbie Forteza sa katatapos lang na episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang My Bipolar Mom, gumanap dito si Barbie bilang Ashley, isang arnis player na nangangarap makatungtong sa isang international competition.
Kasabay ng kanyang istriktong training, mag-isa rin niyang inaalagaan ang inang na-diagnose ng bipolar disorder.
Naantig ang netizens sa pagganap ni Barbie kaya naging 9th top trending topic ang actress sa Twitter Philippines.
Kasama ni Barbie sa episode ang beterang aktres na si Jackie Lou Blanco na gumanap bilang nanay niyang si Aie Aie.