Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlo Mortel KUMU

Marlo top earner sa Kumu, binigyan ng billboard

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Marlo Mortel, huh! Dahil isa siya sa pinasikat sa KUMU, maraming followers, at maraming nanonood sa kanyang live streaming bukod pa sa consistently winning sa mga campaign. Kaya naman binigyan siya ng KUMU ng billboard, at ‘yung iba pang mga sikat din dito na makikita along Shaw Boulevard.  

Hindi nga ini-expect ni Marlo na mapapansin siya sa KUMU, na magiging matagumpay siya bilang live streamer. 

Malaking tulong din ito sa kanya noong nag-start siya sa KUMU two years ago, dahil naging source of income niya ito, since madalang ang raket dahil sa pandemic. 

Isa si Marlo sa top-earner sa KUMU. Grabe ang mga virtual gift na natatanggap niya sa kanyang followers kapag may live streaming streaming siya.

Bukod pa rito, naging source of happiness and strength din niya ito bilang dumaan siya sa matinding emotional breakdown. Mas dito niya nailabas ‘yung sarili niya sa mga tao, sa mga fan/supporter  all over the world, sa pamamagitan ng pagkanta.

Sa pagkakaroon ng billboard sa Edsa, ang masayang sabi ni Marlo sa kanyang KUMU account, “This is insane! I can’t believe I have my very own billboard along Edsa at this time of pandemic! Big thanks to the KUMU family for choosing me alongside these talented people. You’ve seen my biggest blessing!

“I can’t imagine what my life would’ve been without this kumunity. I learned a lot  and was able to thrive and grow as a person. I appreciate everyone who keeps on giving love on my streams, for believing in my music. You guys keep me going!

“Thanks to everyone who made my KUMU journey so special and memorable! 

“To my ‘Team Kumu Marlo’ family, I have nothing but mad love and gratitude for you all! Cheers to more fun, laughter and good energies!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …