Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yasmien Kurdi Bea Alonzo Alden Richards

Yasmien excited makatrabaho sina Alden at Bea

MA at PA
ni Rommel Placente

MAKAKASAMA si Yasmien Kurdi sa Pinoy adaptation ng K-Drama series na Start-Up, mula sa GMA 7, na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Alden Richards.

Sa interview sa aktres ni Nelson Canlas, sinabi nito na sobrang excited siya nang malamang magiging part siya ng show, dahil pinanonood niya ito rati sa Netflix. Looking forward din siya na makatrabaho sina Bea at Alden sa unang pagkakataon.

Sabi ni Yasmien, “Noong kasagsagan ng lockdown, ito ‘yung pinapanood ko talaga. Kaya noong sinabi sa akin, regarding the show, sobrang na-excite ako.

“I’m so excited kasi it’s a new set of cast, and it’s very refreshing, very new. Ang saya lang kasi ang tagal ko na rin silang gustong maka-work, at finally makakasama ko na sila ngayon.”

Happy kami para kay Yasmien dahil tuloy-tuloy ang trabahong ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang mother studio, ang Kapuso Network.  

Deserved naman niya ito dahil sa totoo lang, magaan katrabaho si Yasmien. Hindi siya pasaway o nagpi-primadona. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …