MA at PA
ni Rommel Placente
NOONG March 8, Tuesday, ay ipinakilala sa entertainment media ang I-Pop all girl group na Calista, na binubuo nina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle and Dain. Sila ay nasa pangangalaga ng TEAM (Tyronne Escalante Artist Management).
Sabay sa pagpapakilala sa kanila, ay ang pag-release ng kanilang debut single titled Race Car at ng music video nito. Ito ay produced ng Merlion Events Production Inc. Ang sumulat ng kanta ay si Marcus David.
Sa tanong sa Calista, kung paanong nabuo ang kanilang grupo, ang sagot nila ay dumaan sila sa audition.
Sabi ni Laisa, “More than 100 po kaming nag-audition. Ang nagpa-auditon po is ‘yung talent management namin, ‘yung TEAM. Nagpa-audition po siya for girl group.
Nagkaroon po ng trim down, hanggang naging 50, 25, hanggang naging anim na kami.
“Nagkaroon din kami ng evaluation sa isa’tisa.”
In fairness sa Calista, puro sila magaganda at mahuhusay kumanta at sumayaw. Hataw sila sa kanilang performance bago nag-umpisa ang media conference proper. No wonder, na sa rami ng nag-audition para mapabilang sa grupo ay silang anim ang napili.
Anga Calista ay magkakaroon ng concert billed as Vax To Normal sa April 26, 2022, 6:00 p.m, sa Smart Araneta Coliseum.
Magiging special guests nila rito sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Ken San Jose, at Darren Espanto. Ang magdidirehe ng naturang concert ay si Nico Faustino. Ang magko-choreograph ay ang dance icon na si Nash Jeniola at si Soc Mina ang musical director.
For more information and inquiries regarding Vax To Normal, please visit their website:merlionproduction.com. And to know more about Calista, check out their website at calistasocials.com and follow them on Facebook (Calista PH).