Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Garrett Bolden

Garrett target makapag-release ng int’l song

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUKOD sa pagiging singer, gumagawa rin si Garrett Bolden ng kanta, tinanong namin ito kung sino sa mga kapwa niya Kapuso artist ang nais niyang igawa ng kanta at anong klase ng kanta?

“Ah, if I were to write a song, so far mayroon po akong dalawa sa aking isip at noong nakaraan ko pa po ito iniisip, isang singer po at isang loveteam.

“Sa singer po siyempre I wanted to write… alam ko naman na sobrang galing na songwriter ni Ms. Julie Anne San Jose, pero if I were given a chance I would really love to write a song for her.

“And kung mayroon naman po akong isusulat at kakantahin gusto ko po isang kanta na maibibigay kay Bea Alonzo at kay Alden Richards po.

“Kasi parang when I met, I mean nakatrabaho ko na po si Alden pero noong na-meet ko po si Ms. Bea for the first time, the second tme, she’s really, really nice and kahit po, siyempre Ms. Bea Alonzo na po ‘yun, parang siya pa po minsan ‘yung mauunang ngingiti sa amin, magha-hi sa amin, so talagang I’m really inspired sa kanya.”

Unang na-meet ni Garrett si Bea sa All Out Sundays at sa isang event ng Lazada.

Kung sakaling matapos na ang COVID pandemic at bumalik na nang husto sa normal ang sitwasyon at magkakaroon ng major concert si Garrett, sino ang nais niyang maging special guest?

“Wala na pong isip-isip pa, si Ms. Julie Ann San Jose!”

Crush ba niya si Julie Anne?

“Noong ‘Clasher’ pa lang po ako we see her as someone na talagang pinaghirapan niya ‘yung career niya.

“At saka sobrang multi-talented po talaga siya and above all that, napakabait po niyang tao.

“And gina-guide niya rin kaming mga Clasher, as in to share a secret lang din po, sometimes when I write a song ‘pag medyo natapos na po ipinaririnig ko sa kanya.

“And nanghihingi po ako ng advise, tinutulungan niya po kami. Hindi lang naman po ako, kumbaga kami pong mga baguhan sa industriya.”          

Produkto si Garrett ng season 1 ng The Clash na ang hosts ay sina Julie Ane at Rayver Cruz

Samantala, ang bagong kantang isinulat at kinanta ni Garrett na Pwede Pa Ba? sa ilalim ng GMA Music ay available sa Spotify, YouTube Music, iTunes at iba pang mga digital platforms worldwide.

Ang naturang single ay agad nakarating sa third spot ng iTunes PH noong i-release ito noong January 28. 

Ang Pwede Pa Ba? ang unang attempt ni Garrett na sumulat ng isang Tagalog na kanta.

Si Garrett din ang umawit ng theme songs ng iba’t ibang serye ng GMA tulad ng Agimat ng Agila, The World Between Us, at Stories from the Heart: Love on Air.

Ang una naman niyang isinulat na awitin, ang Our Love ay napiling maging official theme song ng primetime series  na I Left My Heart in Sorsogon. 

Target naman ni Garrett na makapag-release ng isang international song sa pamamagitan pa rin ng GMA Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …