Monday , November 18 2024
Ping Lacson

Ping ganado sa kampanya ramdam malakas na suporta

KOMPIYANSA si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na maipapanalo niya ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo dahil sa positibong pagtanggap na kanyang nakukuha sa mga tagasuporta at sa publiko na nakaririnig at nakauunawa ng kanyang mga mungkahing polisiya para masugpo ang katiwalian at mas maiangat ang serbisyo ng mabuting pamahalaan.

               Sinabi ni Lacson, ipagpapatuloy nila ng running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at kanilang mga senatorial candidate ang paraan nila ng pangangampanya na nakatutok sa mga napapanahong isyu at pagbibigay ng edukasyon sa mga botante.

“Sa akin, ano, upbeat kasi ‘yung nakikita namin sa ground mukhang hindi nare-reflect doon sa mga survey. ‘Yon ang feeling ko. ‘Yon din ang feeling ni Senate President Sotto,” sabi ni Lacson sa mga mamamahayag na nagtanong tungkol sa kanyang pakiramdam sa takbo ng halalan ngayong nasa dalawang buwan na lamang ang panahon ng kampanya. 

“So, let’s see. Kasi, after all, ‘yung presidency is a destiny and it’s a calling. Kung hindi ka tatawagin ay hindi ka talaga makapagsisilbi. Pagka-destined naman na ikaw ang tawagin, may mangyayari at may mangyayari na dadalhin ka roon,” dagdag niya sa isang press conference na idinaos sa Cavite nitong Sabado.

Aminado si Lacson, ang kawalan pa rin ng sapat na edukasyon ng mga botante ang matinding hamon na kinakaharap niya at ng iba’t ibang mga grupo na tumutulong sa kanyang kampanya.

“Sana ma-educate ‘yung mga botante kasi kulang sa education. Nahirati tayo, ano, kung sino ‘yung magaling mag-entertain, sabihin na natin magaling mangako, magaling mambola, ‘yon ang parang medyo nakapangingibabaw,” pahayag ng presidential aspirant.

Umaasa si Lacson na makaaabot sa mas maraming Filipino ang mensahe ng kanilang pangangampanya na naglalahad ng mga solusyon sa nagpapatuloy at mga posible pang kaharaping problema ng ating bansa – na kailangan ng seryosong mga aksiyon bago pa mahuli ang lahat.

Sa kanyang mga naging campaign rally sa Quezon, Camarines Norte, at Sorsogon, ipinakita ni Lacson kung paano niya pamumunuan ang bansa, sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga suhestiyon ng publiko at pagsama sa polisiya ng kanyang pamahalaan upang direktang maiuugnay ito sa kanilang mga pangangailangan at prayoridad.

“Kami ni Senate President sa tagal ng panahon talagang naka-ready kami e. Alam namin how tough ‘yung mga problems that we are facing, that we are confronting, but then pinag-aralan naming matagal na (ang mga solusyon) and even now, as we speak, nag-aaral kami,” saad ni Lacson.

Ayon kay Lacson, nagmula ang ilan sa kanyang mga plano galing na rin sa iba’t ibang lider ng bawat industriya na kanyang nakakausap tulad ni dating Agriculture Secretary at senatorial aspirant Emmanuel “Manny” Piñol na mayroong malalim na pakikipag-ugnayan sa sektor ng mga magsasaka at mangingisda.

“Ang daming ideas na mga bago sa akin ha. Ako kasi listener ako e. I’m a good listener and alam ko kung ano ‘yung parang worth na i-absorb, ina-absorb ko, at hindi lang ‘yon, kina-counter check ko,” ani Lacson.

Umapela si Piñol sa mga botanteng Filipino na buksan ang kanilang puso at isipan upang makita kung sino ang tunay na pinunong makakatulong sa kanila, at huwag ibase ang kanilang magiging desisyon sa darating na halalan sa mga resultang ipinapakita ng mga survey na aniya’y idinisenyo para ikondisyon ang isipan ng publiko.

“So, I think there is a need for us to really review itong operations ng survey firms… [Because] it actually spoils our desire to really elect a good leader. So dapat siguro, sir, tingnan ito as part of our electoral reforms—itong pre-election surveys,” saad ni Piñol.

Dagdag niya, nakamit ni Lacson ang tiwala at kompiyansa ng nakararami bilang ika-17 pangulo dahil sa kanyang karanasan at abilidad, gayonman pinanghihinaan ang iba na itaya ang kanilang boto sa kanya dahil sa lumalabas na mababang ranking nito sa mga pre-election poll.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …