Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola Vince Rillon

Vince at Ayanna lupaypay sa mga sexy scene sa L

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NATAWA kami sa pag-amin ni Vince Rillon ukol sa ginawa nilang Vivamax original trilogy series, ang L na tinatampukan niya kasama sina Cara Gonzales, Ayanna Misola, Cloe Barreto, at Stephanie Raz. Aniya, napagod siya sa sa mga ipinagawang sexy scenes. 

Hindi nga naman kasi biro na apat na babae ang naka-lovescenes niya sa L. At hindi iyon simpleng love scenes lang dahil aniya, grabe ang ipinagawa sa kanila lalo na ‘yung sa kanila ni Ayanna sa erotic-drama series na idinirehe ni Topel Lee.

Lupaypay nga raw sila matapos kunan ang mga eksena.

Pagod na pagod ako sa mga eksena namin ni Ayanna, sa sex scenes namin.Kasi, kakaiba dahil pinapanood pa kami ni Direk ng peg, kung ano ‘yung gagawin namin sa kama, at kung ano ‘yung mga posisyon. So, nahirapan talaga ako,” pag-amin ni Vince.

“Pagod na pagod ako, nakita nina Direk. After ng takes namin, tahimik na ako sa gilid. Umiidlip na ako. Si Ayanna, umiidlip na rin sa gilid. Kapag nag-cut na ‘yung direktor, para na kaming low-batt.”

Iginiit pa ni Vince na, “Challenging at kakaiba dahil nga ‘yung direktor, hinigitan niya ‘yung mga nagdaan naming pelikula. Hinigitan niya sa sex scenes, so masasabi kong pagod ako.”

Bagamat pagod may pakonsuweldo naman kay Vince at sa mga kasamahan niya sa L dahil dahil ilang araw na itong number one sa Vivamax. Kung bakit panoorin na lamang po ninyo handog ng Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …