Thursday , June 4 2026
Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions sa muling pagkakakulong ni dating Senador Bong Revilla. May ilang influencers at celebrities na tila tuwang-tuwa sa nangyari sa dating senador, habang mayroon namang tahimik siyang ipinagdarasal na sana ay makayanan at malampasan ang mga pangyayari.

Para sa mga hindi naniniwala sa kanyang mga adbokasiya sa politika, natural na hinuhusgahan agad nila itong “guilty” sa kinasangkutang eskandalo.

Sa mga ibang nakakakilala at nakakasama siya, siyempre dinedepensahan nila ang aktor-politiko.

Although marami rin ang naniniwalang ‘moro-moro’ lang daw ang lahat lalo’t may mga dapat at higit pang isama sa kulungan na nasa mataas ang posisyon.

Gayunman, may mga nagbibigay ng unsolicited advice sa pamilya Revilla lalo na sa mga kaanak ng dating senador na may mga posisyon pa sa gobyerno na mas maging maingat sa pakikitungo sa mga kaalyado o kalaban sa politika.

Ayon pa sa kanila, “hindi naman unang beses na nangyari ito. Sadyang iba ang laro sa politika. Hindi ito eksena sa movie o TV na may nabibiktima or what. Dapat sa tagal nila sa politics, kilala na nila dapat ang mga totoong kasangga nila o kaaway. Hindi na uso sa panahong ito ‘yung nagpapa-victim ka.”

Sa panig pa rin ng mga Revilla, matapang pa rin nilang haharapin ang naturang mga kaso dahil patuloy silang naniniwala sa sistema ng mga batas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …