Heart Evangelista Cecilia Ongpauco

Heart at momnager ginaya eksena sa The Devil Wears Prada 2

I-FLEX
ni Jun Nardo

BACK to work and back to Parish Fashion Week si Heart Evangelista, huh!

But this time, with a plot twist.

Naglabasan na ang pictures ni Heart sa PFW and this time, kasama niya ang kanyang Momnager na si Cecilia Ongpauco.

Fashionista rin ang momnager ni Heart na kitang-kita sa porma nito sa pics na inilabas ni Heart sa kanyang Facebook.

Ayon sa caption sa FB ng GMA Network, ginaya ng mag-ina ang isang classic scene sa pelikulang The Devil Wears Prada 2 sa elevator.

Excited ang fans at netizens sa pagbabalik ni Heart sa mundo ng fashion after the holidays.