Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carmina Villarroel Zoren Legaspi

Zoren at Carmina muling nagka-iyakan 

RATED R
ni Rommel Gonzales

HALOS 10 taon nang kasal ang celebrity couple na sina Carmina Villarroel-Legaspi at Zoren Legaspiat nananatiling matatag ang kanilang relasyon kasama ang kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa recent vlog ni Carmina, sinagot ni Zoren ang mga tanong galing sa followers ni Carmina. Tinanong kasi ang aktres ng kanyang followers kung ano ang gusto nilang itanong kay Zoren.

Isa sa kanilang napag-usapan ay ang naging surprise wedding nila noong 2012.

Anong favorite part mo ng wedding natin?,” tanong ni Carmina.

Agad naman itong sinagot ni Zoren, “I guess, you walking sa aisle…”

Bigla namang naging emosyonal ang aktor nang alalahanin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya minadali ang preparasyon ng kasal nila ni Carmina.

Kuwento niya, “Kasi ‘yung wedding na ‘yun ito ang ‘di ko pa nasasabi. Okay, alam naman nila na surprise kasi ‘yun and ang isang triggering point kasi niyon, kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Regie [ama ni Carmina], bibigyan ng hip replacement.”

Naisip daw noon ni Zoren na kailangan na nilang ikasal ni Carmina bago pa ang nakatakdang operasyon ng hip replacement ng ama nito.

Aniya, “Wala ka kasi roon sa meeting ng doctors and with your family, siblings, so ako ang nag-represent sa’yo roon sa meeting. Sabi ng doktor doon, ‘pag ginawa iyon [hip replacement], 50-50 si Daddy Regie.

“Then it hit me, sabi ko, kung magpapakasal kami ni Mina na wala si Daddy Regie, ‘di mawi-witness ni Daddy Regie, useless kasi wala na ang mama mo, tapos, naglalakad ka roon, wala pa Daddy Regie mo. So for me, useless siya.”

Dahil sa madamdaming kuwento ni Zoren ay naging emosyonal na rin si Carmina.

Daddy, questions lang naman ang gusto nating tanungin, bakit tayo nag-iiyakan dito. Hay naku, hindi ako ready, hindi kami prepared, wala kaming tissue. Dapat pala iyon na lang ang last question ko,” ani Carmina.

Kamakailan ay bumida sina Carmina at Zoren sa kanilang first Kapuso mini-series together na Stories from the Heart: The End Of Us na tungkol sa istorya ng mag-asawang sinubok ang tatag ng relasyon.

Samantala, subaybayan naman si Carmina bilang si Barbara Sagrado-Dee sa Kapuso suspense-serye na Widows’ Web na nagsimula nitong Lunes sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …