Thursday , December 19 2024
Liza Dino

Liza Dino gustong ituloy ang pagiging FDCP Chairperson; Rumaratsada sa Film Ambassadors’ Night

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

GUSTONG ituloy ni Liza Dino ang pagiging chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung muli siyang bibigyan ng pagkakataon ng susunod na Pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng eleksiyon 2022.

Appointee kasi ng Pangulo ang posisyon ng FDCP Chairman, kaya sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay natatapos na rin ang termino ni Chair Liza.

If I will be given the chance to continue, I would love to continue. Only because I believe that there is much to be done,” sabi ni Chair Liza.

Sa mahigit limang taon ng panunungkulan ni Chair Liza napakarami siyang nagawa para sa film and entertainment industry. Kaya naman marami pa rin ang may gusto na sana ay maipagpatuloy niya ang pagiging chairperson ng FDCP hanggang sa susunod na uupong Pangulo ng Pilipinas.

Natutuwa naman si Chair Liza na malamang maraming sumusuporta sa kanya at humihiling na siya pa rin ang hiranging FDCP chairperson ng susunod na Pangulo.

Siyempre happy ako. Ang sarap ng feeling na parang na-appreciate ‘yung ginagawa mo. And it’s not just me kasi collective effort ito lalo na sa team namin na ‘yung commitment nandoon, ‘yung passion nandoon,” ani Chair Liza.

Sa ngayon, habang hindi pa natatapos ang kanyang termino, ratsada pa rin si Chair Liza sa kanyang trabaho lalo na nga’t nalalapit na ang isa sa taunang big events ng FDCP, ang 6th Film Ambassador’s Night na gaganapin sa February 27, 2022 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater.

Ang FDCP ay muling magpupugay sa mga taong tinitingala sa industriya na nagpamalas ng galing, at sa kanilang mga pelikulang nagbigay karangalan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang pagwawagi ng mga awards at citations mula sa mga pinaka-iginagalang na film festivals sa buong mundo.

It’s another year’s worth of victories with the best of the best Filipino films being recognized around the world, highlighting our cultural heritage in cinema over the years. As we have continued to reach altitudes on the global stage, we applaud each filmmaker who shares their talent, creativity, and passion to the world. We created this night to celebrate you,” pahayag ni Chair Liza.

Sa nakalipas na limang taon ng pagtitipon-tipon ng ilan sa mga pinaka-maningning na bituin ng industriya ng pelikulang Pilipino ay nagkaroon na ang FDCP ng kabuuang 319 Film Ambassadors at hahaba pa ang listahan sa pagdaragdag ng 77 honorees mula sa mga nagkamit ng parangal sa mga film festival noong 2021.

Sa nakaraang taon, ipinagdiwang ang mga pelikulang Pilipino at mga filmmaker sa mga A-list international film festivals. Kabilang sa tatlong pinakamalaki na pararangalan sa Film Ambassadors’ Night ay ang mga sumusunod: John Arcilla para sa On the Job: The Missing 8; Whether the Weather is Fine (Kun Maupay Man It Panahon) ni Carlo Franciso Manatad para sa napakaraming pagkilala nito sa mga pinakamalalaking international film festivals —74th Locarno Film Festival in Switzerland, Guanajuato International Film Festival in Mexico, 46th Toronto International Film Festival (TIFF) in Canada, at sa 52nd International Film Festival of India. Nagbaon din ng mga parangal mula sa mga pangunahing film fests ng Asya ang Gensan Punch ni Brillante Mendoza34th Tokyo International Film Festival in Japan, and 2 awards from the 26th Busan International Film Festival in South Korea.

About Glen Sibonga

Check Also

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth movie mahigpit na lalaban sa Gabi ng Parangal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN ang ganda ng pagkakagawa ng My Future You na entry ng Regal Films sa Metro …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …