Saturday , November 16 2024

Ex-Governor ng Quezon, kinasuhan sa Comelec

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

ELEKSIYON na naman at sa tuwing dumarating ang ganitong kaganapan, batid ng public officials na kumakandidato na mayroong batas na maaring maglagay sa kanila sa alanganin kapag ito ay kanyang nilabag –  ang RA 881 o Omnibus Election Code. At natitiyak din natin na alam nilang ang paglabag ng OEC ay isang kasong kriminal.

Isang halimbawa na madalas nangyayari, ang pagpapalabas ng pondo ng isang incumbent o public official para sa isang proyekto sa panahon ng eleksiyon o campaign period. Bawal ito para maiwasang magamit sa pangangampanya.

Isa sa napaulat na inaakusahan na sinasabing gumawa ng illegal disbursement ay ang dating governor ng Quezon na si David Jay-Jay Suarez na ngayon ay isang mambabatas sa lalawigan. Kinasuhan siya ng paglabag sa OEC nitong 15 Pebrero 2022. Ha! Ba’t ngayon lang kung kailan election time pa? Hehehe…

Pinagbasehan ng pagsasampa ng reklamo ang nangyari noong 2019 mid-year election campaign. Sinasabing nagpalabas ng pondo si Suarez nang walang pahintulot ng Comelec. Totoo ba ang akusasyon Cong. Suarez?

Batay sa Section 261 (v) ng OEC, pinagbabawalan ang isang opisyal o empleyado, kabilang ang mga nanunungkulan sa barangay at government owned and controlled corporations at mga subsidiaries nito, sa paggastos ng pampublikong pondo sa loob ng 45-araw bago ang regular election at 30-araw naman bago ang special election. Ang pagbabawal ay para masiguro na hindi magagamit ang pondo sa pangangampanya.

Sa complaint affidavit laban sa dating gobernador, sinasabing nilabag ng opisyal ang Section 261 ng RA 881”Omnibus Election Code.” Ayon sa reklamo, humingi ang gobernador ng pahintulot o exemption sa Comelec pero ito ay ibinasura noong 26 Nobyembre 2019.

Hindi pinayagan ng Comelec ang kahilingan dahil labag ito sa RA 881. Ayon sa batas maaari lamang maglabas ng pondo kung ito ay pagkukuhaan ng sahod, napapabilang sa pang-araw-araw na gastusin at iba pang mga karapat-dapat na gastusin na pahihintulutan ng Comelec matapos dumaan sa masusing pagdinig.

Bagamat ang pondo naman daw ay para sa programa ng Social Welfare Development Office sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situations (AICS) at Sustainable Livelihood Programs (SLP). Iyon naman pala, kailangan naman pala e.

Sa hearing noong May 7, 2019 batay sa complaint, kulang ang mga dokumento na naisumite ng dating gobernador bukod sa hindi natukoy ang mga programang paglalaanan ng pondo. Hindi rin inilinaw kung saan kukunin ang pondo at kung magkano ang gagastusin. Hindi rin naisama ang approved budget at ang annual investment plan ng probinsiya para sa 2019, pero sa kabila nito, inakusahan ang opisyal na iniutos pa rin niya ang pagpapalabas ng pondo.

Sa panig naman ni Cong. Suarez, batay sa napaulat sa Manila Times nitong 16 Pebrero 2022, kinondena ng mambabatas o kinuwestiyon ang pagsasampa ng kaso  kung saan itinaon ngayong election period.

Bagamat, hindi pa niya nababasa ang 90-page complaint affidavit ng mga nagreklamong sina Eduardo Salcedo, Virgilio Paran, Noel Buenavista, at Jose Pasia, pawang residente sa Tiaong, Quezon. Sila ay nagsampa ng kaso sa Comelec nitong 15 Pebrero 2022. Anang mambabatas, gusto niyang makita ang sinasabing ebidensiya.

Ayon sa ulat, nagtataka at kinukuwestiyon din ng mambabatas ang timing ng  pagsasampa… “I am questioning the timing of such cases being filed if so. Bakit ngayon lang kung mag-eeleksiyon (Why only now, during the election season? ). So definitely this has something to do with the May 2022 election.”

Sinabi ni Suarez, isa itong malinaw na “desperate political move by our opponents in the province.”

Pero kompiyansa si Suarez na wala siyang nilabag na batas noong nakaupo siya bilang gobernador.

“No law has been broken and no actions illegal in nature have been conducted during my tenure,” saad sa ulat bilang bahagi ng panig ng mambabatas sa akusasyon.

So, kung susuriin ang pahayag ng mambabatas, para bang sinasabing isa itong ‘demolition job’ sa kanya ng mga katunggali ngayong halalan 2022.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …