Thursday , June 4 2026
Angeline Quinto YouTube Gold Play Button

Angeline tumanggap ng Gold Play Button sa YouTube

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

SUWERTE para kay Angeline Quinto ang kanyang pagbubuntis dahil panibagong achievement na naman ang kanyang naabot matapos tumanggap ng Gold Play Button sa YouTube.

Ibinibigay ang Gold Play Button sa YouTube partners kapag umabot na sa isang milyong ang subscribers ng channel.

Nang isulat namin ito ay mayroon ng mahigit sa 1.08 million subscribers ang singer-actress sa kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto.

Nagpasalamat nga si Angeline sa kanyang subscribers at supporters sa IG post niya. “1 Million THANK YOUs mga ka-Twinkle. sa mga hindi pa natin ka-Twinkle please don’t forget to subscribe, like, share and comment to my youtube channel.

Love Angeline Quinto. Thank you very much.”

Ini-upload ni Angeline ang kanyang first vlog noong May 2018. Kabilang sa most viewed vlogs niya ay ‘yung may kinalaman sa kanyang pagbubuntis pati na ang kanyang house tour. May vlog na rin siya sa paglipat niya sa bagong bahay. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …