Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gigi de Lana Markus Paterson Kaori Oinuma

Gigi, Markus, Kaori bumida sa musical mini-series ng PLDT Home

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAPAPANOOD na ngayon sa YouTube channel ng PLDT Home ang two-episode musical mini-series na #SpeedThatMovesYou, na pinagbibidahan nina Gigi de Lana, Markus Paterson, at Kaori Oinuma.

Ang musical mini-series ay bilang pakikibahagi ng PLDT Home sa selebrasyon ng Valentine’s Day. Tampok dito ang iba’t ibang uri ng pag-ibig at kung paano nagiging daan ang Internet at online platforms upang makahanap ng kaibigan o maging ng taong mamahalin sa kabila ng physical distance.

Pinagbibidahan nina Gigi at Markus ang first episode na Duet, na nahanap ng kanilang mga karakter ang love sa pamamagitan ng power of online connections. Isang popular singer-songwriter si Markus, pero for some reason magpo-post siya ng kanyang mga ginawang awitin sa TikTok sa ilalim ng anonymous account. Hanggang madiskubre ng isang talented young singer na si Arlisa (Gigi) ang awitin ni Markus at ginawan ito ng duet cover sa social media. Ito ang naging simula ng kanilang online friendship at budding romance.

Tampok naman sa second episode na The Confession si Kaori bilang si Abbie, isang professional online gamer at streamer na pangarap maging successful eSports player. Pero itinatago niya ang side niya na ito sa kanyang Mommy na gusto naman maging Accountant siya after graduating.

Panoorin ang musical mini-series na ito sa YouTube channel ng PLDT Home at alamin kung paano ang fastest connections ay nakabuo ng lasting love and meaningful relationships. Mapakikinggan din sa Spotify ang original song na tampok sa serye, ang Speed of Love performed by Gigi, Markus and Kaori and written by the award-winning songwriter Jonathan Manalo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …