Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Zsa Zsa Padilla Angeline Quinto

Regine, Zsa Zsa, Angeline nagkaiyakan sa kanilang prod number

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NAGKAIYAKAN sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, at Angeline Quinto matapos ang production number nila na nagsilbing baby shower para sa huli sa ASAP Natin ‘To noong Linggo.

Na-feel kasi nina Regine at Zsa Zsa ang kasiyahan ni Angeline ngayong malapit na ring itong maging isang ina.

Kasi naman we’ve seen her grow, as an artist, as a person, and now you’re about to become a mom,” sabi ni Zsa Zsa.

Welcome to the world of motherhood,” pagbati naman ni Regine. “We are all here, your family, with you, not to mention, God.”

Aminado si Angeline na nagbago na ang pananaw niya sa buhay ngayong nagdadalantao siya.

Ngayon, hindi na importante sa akin ‘yung materyal na bagay. Ang importante sa akin, may nagagawa ako para sa magiging future ng bata,” ani Angeline.

Bilang mga ina, pinayuhan din nina Regine at Zsa Zsa si Angeline.

“’Di ba we doubt ourselves, ‘Am I gonna be a good mom?‘” bulalas ni Regine. “Ang payo ko sa iyo, walang ganoon. We all learn from our experience. Kasi wala namang formula eh. So, we just do our best to be a good mother, a good provider. And to hopefully teach lessons that we learned also, tayo, growing up. ‘Yun lang ‘yun.”

Dagdag naman ni Zsa Zsa, “And you’ll be surprised ha, ‘pag lumaki-laki na rin ang anak mo may matututunan ka rin sa kanya.”

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Angeline para sa kanyang baby.

Kahit anong mangyari… katulad din ng sinasabi ko kay Mama Bob dati noong buhay pa siya… kahit anong mangyari kami lang talaga ‘yung magtutulungan. Pagdating ng panahon kung sakaling hindi ko na kaya, pipilitin ko pa rin para sa kanya. Kahit anong mangyari talagang ipaglalaban ko itong batang ito,” madamdaming pahayag ni Angeline na nagpaiyak na naman kina Regine at Zsa Zsa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …