Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz Piolo Pascual

Madam Inutz ngiting tagumpay Piolo makakasama sa serye

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA ang alaga ni Wilbert Tolentino na si Madam Inutz, huh! After kasi niyang lumabas o maging housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity 10, ay isinama siya ng ABS-CBN sa bago nilang serye na ang bida ay si Piolo Pascual.

O, ‘di ba, hindi man siya ang hinirang na isa sa Top 2 celebrity housemates sa nagdaang PBB, masuwerte pa rin siya na sa unang serye na gagawin niya ay si Papa P agad ang makakasama niya.

Sa ngayon ay nasa lock-in taping na sila. At hindi maiwasan ni Madam Inutz ang kiligin nang personal na niyang makaharap si Piolo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanilang first selfie ng award-winning actor.

At ang caption niya rito ay, “Mga inutz, look oh! Papa P! Pinagpapantasyahan ko lang ito dati noong dalaga pa ako. Ngayon kasama ko na sa mga ganap sa eksena.”

Biro pa niya, “Direk, oks na oks po sa akin ang may bed scene! Charot lang kasi harot lang inutz. Ito ang ngiting tagumpay.”

Sobrang happy talaga si Madam Inutrz na makakatrabaho niya si Piolo na kanya palang hinanahangaan at pinagpapatansiyahan dati.

Natutuwa naman ang ilang netizens sa pagkakaroon ng serye ni Madam Inutz with Papa P.

Sabi ng isa, “Ibang level na si Madam! Congrats po!” 

“Wow! Ikaw na talaga Madam! More projects, please!” saad naman ng isa pa.

May humamon naman kay Madam Inutz na murahin si Piolo dahil nakilala ito sa pgmumura sa mga taong tumatambay lang sa kanyang online live selling pero hindi naman bumibili.

May post din ito kung saan makikitang nag-iinuman sila nila Piolo kasama ang iba pang cast ng show.

At ang caption naman niya rito, “Nomo time muna with Papa PiDescription: ‼️ Kilala n’yo si Inutz n’yo. Kapag may alak, may _____.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …