Thursday , June 4 2026
Francine Diaz

Francine may payo sa mga kabataan — ‘wag matatakam sa mga panandaliang bagay

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

INIIDOLO ng maraming kabataan ngayon si Francine Diaz. Kaya naman kahanga-hanga ang payo na ibinigay niya sa mga kabataan sa vlog interview sa kanya ni Karen Davila.

Siguro huwag matatakam sa mga panandaliang bagay. Parang dapat habang bata alam na nating pumili ng pangmatagalan. Kasi ngayon… like ‘yung mga trend, siguro akala nila maganda sa trends ngayon, nakiki-trends sila. Like ‘yung mga inom na wala na sa tama. And siguro ‘yung pagbo-boyfriend mas ingatan natin ‘yung sarili natin. Dapat i-save natin ‘yung sarili natin sa better na tao sa life natin,” sabi ni Francine.

Kaka-18 lang ni Francine noong January 27 at ang wish niya ay good health dahil sunod-sunod ang mga trabaho niyang ginagawa. Lalo na ngayong 2022 na magiging bida siya sa bagong series na Bola-Bola.

Natanong pa siya ni Karen kung sino ang gusto niyang maging ka-love team ngayong 18 na siya?

Ako po, siguro kahit sino basta mabait siya. Hindi naman po ako talaga naghahanap agad ng bagong ka-love team basta po ‘yung makakasundo ko, at siyempre (may) respect sa aming lahat, sa amin nina mama pati sa akin,” ani Francine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …