MA at PA
ni Rommel Placente
AYON kay Aiko Melendez, kung challenging ang mga pinaggagawa niya sa book 1 ng serye nilang Prima Donnas bilang si Kendra, na dalawang best supporting actress award ang napanalunan niya dahil sa kanyang role, mas pinahirapan pa siya sa book 2. Lahat na kasi ng klase ng emosyon ay ipinakita niya rito, lalo na ang mga eksena niya sa mental hospital.
Sabi ni Aiko, “Hirap na hirap ako sa role ko. Mas challenging siya kaysa book 1. There were days na nawawala ako, kasi ang dami ko ring ginagawa sa labas as I am running for congress sa election.”
Nang mapanood niya ang sarili na baliw-baliwan sa isang eksena sa nasabing serye, ang naging reaksiyon niya ay, “Nagawa ko ba talaga ‘yun?”
Mahirap kasi ang eksenang ‘yun kaya ganoon ang reaksiyon ni AIko. Pero sa isang gaya niya na mahusay na artista, in fact, isa siyang award-winning actress, kahit naman anong klase ng role ang ipagawa o ibigay sa kanya ay nagagampanan niya ‘yun nang buong husay.