Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaira Diaz EA Guzman

EA at Shaira maagang nag-Valentine’s date

MAAGANG ipinagdiwang ng Kapuso actress na si Shaira Diaz at ng kanyang longtime boyfriend na si EA Guzman ang kanilang 9th anniversary.

Isinabay na rin dito nina EA at Shaira ang pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Sa isang Instagram Story ni EA, makikita ang larawan nila ni Shaira na may caption na, “Same kami ng schedule ng lock-in taping…Happy Valentines Day! Happy 9th Anniversary! Advance ko na Baba.

Mamimiss kita. See you after 2 months,” dagdag pa ni EA.

Kapansin-pansin sa larawan nina EA at Shaira na hindi nila maitago ang lungkot na nararamdaman dahil ilang buwan silang hindi magkakasama.

Ibinahagi rin ni Shaira ang story ni EA sa kanyang Instagram account.

Going to miss you baba [cry emojis]. See you soon! Advance HVD and Happy Anniv, too! [heart emoji],” sagot naman ni Shaira kay EA.

Napagkasunduan ng magkasintahan na maagang ipagdiwang ang Valentine’s Day at ang kanilang anniversary dahil pareho silang abala sa kani-kanilang projects bilang mga artista.

Sa kasalukuyan, naka-quarantine na si Shaira para sa lock-in taping ng action-adventure series na Lolong.

Noong nakaraang taon, nagbakasyon sa Boracay sina EA at Shaira para ipagdiwang ang kanilang 8th anniversary.

Bago pa man umere ang Lolong ay regular nang napapanood si Shaira sa iBilib tuwing Linggo, 9:35 a.m.. Co-host siya ni Chris Tiu sa iBilib na tampok din si Roadfill Macasero.

Iba-iba at sari-saring nakamamanghang eksperimeto at kaalaman sa science and technology ang palaging napapanood sa iBilib ng GMA.

(ROMMEL GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …