Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janella Salvador Joshua Garcia Daniel Padilla

Daniel ibinuking si Joshua, may crush noon kay Janella

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

PABIRONG sinabi ni Janella Salvador na na-shock siya sa muling paglutang ng balitang naging crush siya dati ni Joshua Garcia, na nakapareha niya sa dating Kapamilya teleserye, The Killer Bride. Pero bawi niya, dati pa niyang alam iyon at napag-usapan na nila ni Joshua.

Sa nangyari kasing Truth or Dare sa isa sa mga benefit show ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng bagyong Odette ay ibinuking ni Daniel Padilla na may crush si Joshua kay Janella. Alam ito ni Daniel dahil malapit silang magkaibigan ni Joshua.

Ah shockening!” pabirong reaksiyon ni Janella sa vlog ni Ogie Diaz. “Sinabi na naman niya ‘yun sa akin dati. Noong ‘Killer Bride’ pa, he told me at nakita ko rin ‘yung ibang interviews niya dati. So, napag-usapan na namin ‘yon ni Joshua. Ano ba ang reaksiyon ko? Natuwa ako sa kanya kasi ‘yung pagkasabi niya sa akin he really respects me. So ‘yun ‘yung maganda kay Joshua.”

May mensahe pa si Janella para sa aktor, “Magiging masaya rin si Joshua. Deserve niya.”

Samantala, muling magkasama sina Janella at Joshua sa inaabangang Kapamilya TV series na Darna. Si Janella ang gaganap na Valentina habang si Joshua naman ang leadingman ng bagong Darna na si Jane de Leon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …