Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vhong Navarro Vice Ganda Ogie Alcasid

Vice Ganda umamin bumalik-sigla ang pagho-host dahil kina Ogie at Vhong

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang latest vlog kasama ang boyfriend na si Ion Perez, sinabi ni Vice Ganda na labis ang pasasalamat niya sa mga blessing na natanggap niya sa nagdaang taon (2021).

At dito ay binanggit niya rin kung gaano siya ka-thankful sa kanyang co-host sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.

Sabi ni Vice, “Isa si Vhong sa mga main sources ko ng saya bago matapos ang 2021.

“‘Yung last part ng 2021, unti-unti na naming nabubuo ulit ‘yung ‘Showtime.’ Feeling ko nanumbalik ‘yung energy ni Vhong, noing nanumbalik ‘yung kompiyansa niya, noong nanumbalik ‘yung saya sa mata niya, feeling ko ang laki ng epekto sa akin.”

Ayon pa kay Vice, sumasaya siya dahil kay Vhong at sa tuwing sumasaya siya ay mas ginaganahan siya sa kanilang show.

‘“Yung ganong vibe ni Vhong, nakakagaling. Parang gumagaling ako ‘pag ganoon si Vhong,” aniya pa.

Pinuri rin nito ang bagong addition sa kanilang show na si Ogie Alcasid

Ang laki niyong naibigay niya noong dumating siya sa ‘Showtime.’ May ibinigay siyang bagong lasa eh.”

Pambubuking pa nila ni Ion, hindi nila inaasahan na may other side pa na kayang i-offer ang mister ni Regine Velaquez.

Silang dalawa ni Vhong together, they made my work a lot easier and they made my hosting a lot happier. 

“Silang dalawa, ‘pag kasama ko sila, feeling ko gumagaling ako and hopefully, ganoon din ako sa kanila. 

“Sana kapag kasama nila ako, gumagaling dun sila. Sana naibibigay ko rin ‘yung naibibigay nila sa akin,” sabi pa ni Vice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …