I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKU, isa raw ang Siargao sa probinsiyang tutumbukin ng bagyong Odette ayon sa balita.
Naalala namin tuloy si Andi Eigenmann. ‘Di ba, sa Siargo na siya nakatira kasama ng dalawang anak at partner, Miss Ed?
Wala namang update sa Instagram si Andi dahil pawang endorsement niya ang inilalagay.
Bad trip naman itong bagyo kung kailan Disyembre na! Huwag naman sanang sobrang lakas nito, huh!
Teka, nasa Siargao rin ba si Nadine Lustre?
Ingat ang lahat ng tao sa lugar na hahagupitin ng bagyong Odette.