HINDI pa man naisasalang ang Yorme nang gabing idaos ang premiere nito sa isang sinehan sa Maynila, kumalat na ang balitang hindi ito mailalabas ng a-uno ng Disyembre.
Kaya kinalampag ko ang producer ng Saranggola Media Productions na si Edith Fider. Para hingan ng pahayag.
Straight from the horse’s mouth, ”Yes… we had to re-schedule upon request of Yorme himself…
“He convinced us to move the date until most of the youth are vaccinated already.
“Initially ‘yun naman talaga ang gusto niyang mangyari, ‘yung makapulutan ng aral ng mga kabataan ang buhay n’ya. Then we are showing, without them…
“So, sabi n’ya kung pwede umatras muna kami hanggang mas marami na ang nabakunahan.
“Siyempre hindi ako makatatanggi sa Yorme natin… nakalulungkot especially when we advised the cinemas at sinabing ang dami na nilang online reservation.
“It will be shown on January 26,2022 instead!
“Meanwhile, advance screenings muna simula bukas hanggang sa December 24. May 17 block screenings ng naka-schedule sa iba’t ibang lugar!
“Salamat sa fans ni McCoy de Leon who organized 7 advance screenings, sa mga supporter ni Yorme lalo na sa mga schoolmate niya sa Tondo, ‘yung grupo ng mga tricycle driver, mga senior citizen, at iba pang mga samahan…”
Sa buong Disyembre naman kaya eh, matupad ang hiling ni Yorme na mabakunahan na ang lahat ng kabataang makakapanood sa kanyang life story sa mga sinehan?
Kilos na mga bagets! Get your own doses of the vaxx!!!
(pilar mateo)