Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chie Filomeno

Chie sa mga basher — I’m a public figure, but I’m not a public property

HARD TALK
ni Pilar Mateo

INILUNSAD na ng Ginebra San Miguel ang calendar girl nila para sa taong 2022.

At gaya ng kanilang sinisimbolo, isang matapang at tila never say die ang personalidad ng modelong kanilang napili para sa ad campaign nila sa papasok na taon.

Sino ba si Chie Filomeno

Napasok siya at naging kontrobersiyal sa Bahay ni Kuya sa PBB (Pinoy Big Brother). Mahusay siyang mananayaw pero nawalan siya ng gana pansamantala dahil na rin sa bashing na inabot niya. Naging vlogger ang breadwinner ng pamilya.

Pero gaya ng sinabi ng mga boss sa inuming nakalalasing, Chie embodies the values that their products stand for.

Alam ni Chie na dalawa silang pinagpilian para maging calendar girl. Kaya nang i-text na siya na siya na ang nakuha, hindi napigilan ang kanyang tili.

Agad-agad, dinoble nito ang workout . Na ginagawa na naman niya for her good health at hindi para maging sexy lang. 

Kung may natutunan si Chie sa mga bagay na kinaharap niya sa buhay, simpleng-simple. Kaya pala kinakaya nito ang bashers and haters sa paligid.

“I am a public figure, but I am not a public property! I make it  point to make my authenticity intact. Of who I really am.”

At isa nga lang ’yun sa natutunan ng nagkaroon ng pagkakataong matutunan ang pag-i-skate nitong pandemya, na sa ibang pagkakataon naman eh, isang surfer (sa Siargao), at vlogger na nga.

Inalam ko ang other side ng matapang na babae na ‘sintindi ng mga inumin ng kanyang ineendoso. Kung ano ang fears niya.

“My greatest fear is death. Kaya, lahat ng gusto mo, gaya ng natutunan ko sa pandemic gawin mo kung kaya mo rin lang. And I am very much afraid to lose the people that I love.”

Pero sa tatahakin ngayon ni Chie sa pagkapisil sa kanya para maging calendar girl, lalabanan niya ang isa ring matinding calendar girl ng isa pang tatak ng inumin.

May labanan kayang maganap? Sino kaya sa kanila ang mas nakalalasing ang dating?

Para kay Chie, ”It is important to stay grounded. And make an impact as an empowered woman.”

Naibahagi rin ni Chie na nitong pandemya, nakatapos at nakasulat siya ng aklat!

“Nagawa ko! You just really need to know  what you want. Evaluate the things that happened in your life. Panga­rap ko nang pu­masok ako in showbiz to be a calendar girl. Ito pala ang mag­bi­bigay sa akin nito sa pagpili nila sa akin to be 2022’s calendar girl.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …