Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christmas party, yes na yes!

Isumbong mo
kay Dragon Lady
ni Amor Virata

MAGANDANG balita ito sa mga nagsasagawa ng family reunion sa tuwing dumarating ang araw ng Kapaskuhan, dahil pinayagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lugar na nasa  ilalim ng Alert Level 2 (dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19) gaya ng NCR, basta pairalin pa rin ang itinakdang health protocols.

Tulad ng 50 percent ang bilang ng tao sa kapasidad na pagdarausan ng Christmas party at pagsusuot pa rin ng face masks, social distancing, at pagsa-sanitize, at iwasan ang beso-beso o pagyayakapan.

Tiyak na tiyak o sigurado na ngayon pa lang ay marami na ang nagpaplano sa pagdiriwang ng mga Christmas party, partikular ang mga kompanya para sa kanilang empleyado, na bagama’t nagkaroon ng krisis sa panahon ng pandemya ay pipiliting magkaroon ng Christmas party upang muling umusbong ang magandang samahan ng mga empleyado at ng kanilang employer.

***

Tagumpay na nairaos ng lungsod ng Pasay ang kanilang Ika-158 anibersaryo, kahit paano sa matipid na pagdaraos ay naging matagumpay ang pagdriwang.

Lubos ang kagalakan ni Pasay City Mayor Emi Calixto sa naging resulta ng pagdiriwang ng anibersaryo, sa tulong na rin ng kanyang bise alkalde na si Boyet del Rosario at mga Konsehal.

Malaki rin ang naiambag ni District  2 Councilor Joey Calixto Isidro, na namu­no sa pagsa­saayos ng Eco Park, sakop ng Barangay 143, ang dating maru­mi at pina­nahanan ng informal settlers na ini-relocate sa Trece Marti­res City sa lalawigan ng Cavite.

Ngayon ay isa na itong Eco Park na magi­ging pasyalan ng mga ina bitbit ang kanilang mga anak. Isa itong maituturing na unang pangyayari sa lungsod ng Pasay na magkaroon ng pasyalan ang mga bata at may mga panlarong bata.

Noong Kongresista pa si Mayor Emi ito nasimulan, at nang maupo siya bilang Alkalde ng lungsod ay sinikap niyang matapos ang Eco Park nang walang ginastos mula sa pondo ng pamahalaang lokal.

Sa halip ay puro donasyon ang lahat ng ginugol sa nasabing Eco Park ayon sa magandang Mayora.

Isang Kasalang Bayan naman na binubuo ng 158 couples ang ikinasal, na ginawa sa Cuneta Astrodome, tugma ang bilang ng ikinasal sa 158th anniversary ng lungsod ng Pasay!

Mabuhay ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …