Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali

Bianca nag-reflect nagmuni-muni sa lock in taping

RATED R
ni Rommel Gonzales

NARANASAN na ni Bianca Umali  ang lock in taping dahil sa pandemya, ano ang kakaiba niyang karanasan sa kanilang lock in?

“Siguro noong first time ko na hindi puwedeng lumabas sa isang lugar. At first I din’t know what to expect plus ang layo-layo po ng location namin but when I got there and noong nakakailang buwan na rin kaming lock in, I actually got the hang of it.

“And I love being locked in,” bulalas ni Bianca.

“Na-enjoy ko siya. Sobra,” ang nakangiting sinabi pa ni Bianca.

Ibig bang sabihin, kapag natapos na ang pandemya at puwede na ulit ang regular na set up na uwian ang taping at shooting, mas nanaisin pa rin ni Bianca ang lock in?

“’Yung bagong sistema ngayon ng taping may pros and cons.

“Pero siguro sa ngayon masasabi ko na I am for lock in  kasi iba ‘yung focus, iba yung opportunities, ang daming time, the fact na nandoon ka lang, nandoon ka lang sa character mo bilang isang aktor. Hawak mo ‘yung oras mo para mag-aral, hawak mo ‘yung oras mo sa lahat.

“And ang daming time para mag-reflect, ang daming time magmuni-muni,” at natawa si Bianca. “And those are some of the things that I really enjoy.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …