Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Nueva Ecija
TULAK NANLABAN, UTAS SA ENKUWENTRO

PATAY ang isang hinihi­nalang tulak ng ilegal na droga matapos manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation na nauwi sa enkuwentro sa Science City of Muñoz, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 6 Nobyembre.

Batay sa ulat ni P/Col. Rhoderick Campo, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 1:20 am kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Science City of Muñoz Police Station ng buy bust operation sa Brgy. Cabisuculan, sa nabanggit na lungsod laban sa suspek na kinilalang si Jerico Tud, alyas Ekong, residente sa Brgy. Bakal III, bayan ng Talavera, sa naturang lalawigan.

Nabatid na nakatunog si alyas Ekong na alagad ng batas ang kausap kaya agad siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang operating troops dahilan upang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa agaran niyang kamatayan.

Narekober na ebidensiya mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, kargado ng bala; piraso ng selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 2.5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P17,000; sling bag, cellphone, marked money, at isang walang plakang Kawasaki Bajaj motorcycle na may sidecar.

 (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …