Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic del Rosario, Nadine Lustre, James Reid, Jadine

Nadine aminadong talo sa Viva?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON inaamin ng mga abogado ni Nadine Lustre na nakikipag-usap sila sa Viva para sa isang posibleng amicable settlement ng kanilang kaso. Ang sinasabi pa ng mga abogado ngayon ni Nadine, bagama’t ang kanilang kliyente raw ay naniniwalang matibay ang kanyang ipinaglalaban, nakahanda na silang makipag-settle. Basta ang partido mo ang nagsimula ng settlement, ibig sabihin talo ka. Kaya nga siguro sa ngayon ay hindi na ang matapang na si Atty. Lourdes Kapunan na noong na ay sinasabing “walang areglo,” sa kabila ng utos ng RTC na pag-usapan nila ang problema.

Mahirap pangunahan eh, dahil may tumatakbo silang kaso sa korte, pero ang problema ni Nadine, noong maganda pa ang sitwasyon pumirma sila nang pumirma ng kontrata hanggang 2029. Nagsimula lang naman ang problema noong umalis na sa Viva, at hindi naman hinabol ng kompanya ang dating live in partner ni Nadine na si James Reid, tapos binigyan siya ng ibang leading men at dalawang magkasunod na nag-flop ang pelikula niya.

Iyon ang hinihintay nila, mapilitan ang Viva na ibalik ang love team nila ni James, at dahil iyon ay wala na ngang kontrata sa kompanya, maaaring maningil iyon ng mas mataas at makalabas pa sa iba. Eh hindi iyon kinagat ng Viva, walang choice si Nadine kundi mag-bolt out. Una, paano nga kasi kung mag-flop pa ang susunod niyang pelikula kung wala si James? Bago ang love team nila ni James, hindi naman sumikat si Nadine. Isa pa, paano ang relasyon nila ni James?

Pero maling diskarte iyon dahil lalong naipit ang career ni Nadine. Si James naman, hindi rin umangat ang mga proyekto.

Nag-split din sila kalaunan. May boyfriend na ngang iba si Nadine ngayon. Eh ano pa nga ba ang dahilan para makipag-matigasan pa siya sa Viva sa ngayon kung lalo naman siyang maiipit? Wala na rin naman si James, ayun at ibinebenta na nga ang kanyang mansion na nabili niya noong sikat pa siya.

Ito ay palagay lang naman namin. Maaaring may iba pa silang dahilan. Maaaring may matibay nga silang dahilan kaya nila sinasabi noon na “oppressive” ang kontrata ng Viva. Sige sabihin na nga nating one sided pero bakit mo pinirmahan noong kasagsagan pa ng love team ninyo ni James? Eh si James, maliwanag na may sariling ambisyon at iniwan niya si Nadine. Iyon nga lang, hindi lahat ng ambisyon nangyayari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …