Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elisse Joson, McCoy de Leon, Feliz de Leon

McCoy asawa na ang tawag kay Elisse

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NAKANGITI kami pero nangilid ang aming luha habang binabasa namin ang mensaheng punompuno ng emosyon ni McCoy de Leon para sa mag-ina niyang sina Elisse Joson at Feliz na ipinost niya sa kanyang Instagram bilang caption sa black and white photo nilang pamilya na nakaupo si Elisse habang nakahiga ang aktor sa aktres at karga nito ang anak pataas na nakaharap sa kanya.

Ang caption ng aktor, ”Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag-asa ng nanay mo.

“Nagtuloy – tuloy ang pagsasamahan namin dahil sa’yo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito.

“Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nu’ng nakita namin hanggang ngayon.

“Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.

“Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako…kaya salamat Elisse ko.”

At dito kami napaisip dahil in-address niya ang sarili bilang ‘asawa.’

“At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize.”

Naka-280k likes ang post na ito ni McCoy at almost 4k naman ang mga positibong komento at pagbati sa kanilang pamilya.

Samantala, nag-post naman si Elisse ng larawa ng baby pa si Feliz at ang caption ay, ”Our little angel ready to say hello to the world.

“Dearest Felize,

“Life was uncertain before you came. I didn’t know which path to take, the choices to make. I didn’t know what to be, what I want to be.. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.

“I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you, our greatest blessing, in our lives.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …