Monday , December 23 2024

Motornapper ng Bulacan tiklo sa Pampanga

BUMAGSAK sa kamay ng batas ang isang kawatan ng motorsiklo sa Bulacan na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ng Region 3 sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Niqui, bayan ng Masantol, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 30 Oktubre.

Ayon kay P/BGen. Valeriano De Leon, regional director ng PRO3 PNP,  kinilala ang suspek na si Roell Guintu, nakatala bilang pang-37 Regional Most Wanted Person sa Central Luzon, na nadakip ng mga tauhan ng PIT BULACAN RIU3, RID3, RIDMD3, 3rd MP, 2nd PMFC, San Ildefonso MPS, at PIDMB Bulacan PPO.

Ikinasa ang paghuli kay Guintu sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 6539 sa ilalim ng Criminal Case Number 1256-M-2016 na nilagdaan ni Presiding Judge Mirasol Dychingco, Malolos City RTC Branch 20 na may petsang 3 Marso 2016.

Nabatid na si Guintu ang pangunahing suspek sa pagnanakaw ng motorsiklong Honda XRM125, may plakang 2890 IE, Engine No. XRM17E024738, at Chassis No. XRM17925733, na pag-aari ng isang Lorena Trinidad, noong 2015 sa Brgy. Partida, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, at nagtago ng mahigit anim na taon bago naaresto. 

(MICKA BAUTISTA) 

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …