Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Serrano Crime Group arrest

Kanang kamay ng gang leader tiklo, 4 pa nasakote

NADAKIP ng mga awtoridad ang tumatayong kanang-kamay ng lider ng Serrano Crime Group habang inaresto ang apat na iba pa dahil sa paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 23 Oktubre.

Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang arestadong suspek na si Kart Vergara, residente ng Brgy. Tinejero, sa bayan ng Pulilan, at pinaniniwalaang kanang kamay ng lider ng Serrano Crime Group.

Sinasabing ang grupo ni Vergara ay sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga at mga baril na umiikot sa munisipalidad ng Pulilan at mga kalapit-bayan nito.

Nasakote si Vergara sa buy bust operation na magkatuwang na ikinasa ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) at Provincial Intelligence Unit (PIU).

Nakompiska sa suspek ang 22 pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P63,512 at buy bust money.

Gayondin, naaresto ang dalawang indibiduwal sa magkahiwalay na anti-drug operation na ikinasa ng mga elemento ng San Ildefonso at San Rafael MPS.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerwin Torres, alyas Tangkad, ng Brgy. Sapang Putik, San Ildefonso; at Froilan Duro, alyas Olan, ng Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte, nakuhan ng 11 pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Samantala, nadakip ang suspek na kinilalang si Gladys Villacarlos, ng Sta. Cruz, Maynila, dahil sa pagnanakaw ng iba’t ibang school supplies sa loob ng SM Department Store, sa SM City Marilao.

Gayondin, nasukol ng mga tauhan ng Malolos CPS ang suspek na kinilalang si Louel Rubio ng Brgy. Bulihan, Malolos, na matagal nang pinagha­hanap ng batas dahil sa kasong Theft.

 (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …