Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres

Andrea nakikipag-date na

Rated R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay last year, kinompirma ni Andrea Torres na nakikipag-date na siyang muli.

Sa panayam sa kanya ng 24 Oras, umamin ang Legal Wife female lead na lumalabas siya on dates.

“Bago mag-last ECQ, lumalabas-labas na rin ako. Open na ako to meet other people,” pahayag ni Andrea.

Sinabi rin ng dalaga na “nagpahinga” muna siya sa pakikipag-date matapos ang break-up nila ni Derek para na rin sa kanyang kalusugan at kaligtasan laban sa pandemya ng COVID-19.

Ibinahagi rin ang aktres na mahalaga ang pagmu-move on mula sa isang natapos na relasyon.

“ Nanggagaling ’yon sa heart. Choice mo nang i-let go,” sinabi pa ni Andrea.

Hindi na inihayag ni Andrea kung sino ang mapalad na lalaki na nakaka-date niya recently. Malamang, kapag may relasyon na sila ay ipaaalam naman ito ng aktres sa publiko, lalo na sa kanyang mga tagahanga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …