Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lunod, Drown
Lunod, Drown

3 bata nalunod sa sapa

PATAY ang tatlong batang magkakapitbahay makaraang malunod sa sapa habang malakas ang ulan sa Las Piñas City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Renz Lian Aquino, 7; Arkin Xavier Haresco, 9; at Alwayne Ross Tandoc, 12; pawang residente sa Bernabe Compound, Brgy. Pulanglupa Uno, Las Piñas.

Sa inisyal na imbestigasyon, magkasama ang mga biktimang naglalaro at naliligo sa ulan nang magkayayaang tumungo sa sapa pero lingid umano sa kaalaman ng kani-kanilang magulang.

Lumangoy sina Renz at Arkin at hindi naman sumunod si Alwayne na naunang sinabi sa kanila na malalim ito.

Nang makita ni Alwayne na sumisigaw at humihingi ng tulong ang dalawang kaibigan niyang nalulunod na pala dahil sa lakas ng agos sa sapa ay tinangka niyang sagipin pero siya man ay nalunod na rin.

Pinagtulungang sagipin at iahon ng mga residente ang tatlong biktima sa may malalim na hukay saka isinugod sa Las Piñas District hospital ngunit binawian na ng buhay. (MANNY ALCALA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Manny Alcala

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …