Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Boy ‘di lilipat ng GMA 7 — Wala naman silang offer sa akin

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TINULDUKAN na ni Boy Abunda ang kumalat na balitang lilipat siya sa GMA 7 at iiwan ang ABS-CBN.

Nagsimula ang tsikang lilipat ng tinanong ni Mama Loi, ang co-host ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Showbiz Update kasama si Tita Jegs nitong Lunes kung totoong lilipat ang King of Talk at kung under negotiation na?

Sabi naman ng kilalang talent manager at content provider na tatanungin niya si Kuya Boy tungkol dito.

Sa panayam kay Kuya Boy ni Miguel Dumaual ng ABS-CBN news tungkol sa offer ng ibang network at sa pagkalat nito, sinabi ng King of Talk na, “Yeah, I’ve been offered by many, early on during the pandemic. Hindi ko alam kung bakit pumuputok ngayon ‘yan. Nahihiya tuloy ako sa Channel 7, wala namang offer sa akin ang channel 7,” sagot ni Kuya Boy.

Dagdag pa niya, “But I have been in discussion with various parties including people who are affiliated in 7. 


“I’ve been offered by other channels. I’ve been asked by people affiliated in TV5. I’ve been negotiating with independent producers to do talk shows. Yes, but I’m still waiting for ABS (CBN) to have free TV.”

Aminadong sobrang nami-miss na niya ang lumabas sa telebisyon.

“I miss television; I miss television (sabay ngiti). I miss doing my talk show in television,” paulit-ulit na sabi nito.

“Kung walang-wala na talaga eh, ‘di mag-a-apply na ako. Ha-hahaha! Mag-a-apply na ako sa iba pero sa ngayon, hindi totoo ‘yun!”

Baka kaya nasabing lilipat si Kuya Boy ay dahil sa balitang lilipat si Kim Atienza sa GMA 7.

“Remember Miguel siguro rin, I think Kuya Kim… is that official?” tanong nito sa ABS-CBN news reporter at kinompirma na nasa Kapuso Network na nga si Atienza lalo’t naglabas na sila ng teaser para sa pagsalubong sa kanya.

“Maybe because Kim nga is moving and there is ‘daw’ a teaser that somebody moving to 7, it may have something to do with it parang ganoon,” saad nito.

“So, as we talk now, ‘no’ is the answer,” pagtatapos ni Kuya Boy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …