Thursday , December 19 2024
Cesar Montano, Kung Hindi Man

Cesar kakanta sa musical show ng CCP

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

NAG-IMBITA kamakailan ang Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa isang online press conference para sa isang pagtatanghal na kabilang sa pangunahing performer ay ang ‘di na aktibo sa showbiz na si Cesar Montano. 

Kakanta ng isa o dalawang Kundiman si Buboy (Cesar) sa musical series na ang titulo ay Kung Hindi Man.

Noon pa namin alam na marunong kumanta at maggitara si Cesar dahil naging folk singer siya sa Malate noong kabataan n’ya. Kapani-paniwala naman na pwede siyang kumanta ng Kundiman para sa isang online show ng CCP. 

Mas cultural kaysa pop show ang Kung Hindi Man at mga kilalang cultural performers ang karamihan sa aawit. Inisip naming ‘di siguro maglalaan ng panahon si Cesar na mag-participate sa itinakdang presscon kahit virtual lang din naman ‘yon. Isa pa’y ‘di naman siya ang magiging sentro ng event kundi si Arthur Espiritu, ang Pinoy opera singer na kilalang-kilala na sa Europe at sa isang bansa na rin sa Europe naninirahan. Isang tenor si Arthur na artistahin ang itsura at dating. 

Nagkamali nga kami ng akala. Nag-participate ng buong sigla si Cesar sa virtual press conference. 

Naka-Barong Tagalog na humarap sa kamera si Cesar at nagbiro pa siyang naka-shorts lang siya sa ibaba ng Barong n’ya. Pero ‘di naman n’ya ibinaba ang focus ng kamera sa bahay na kinaroroonan n’ya, kaya hindi nakompirma ‘yon. 

Ipinagmalaki n’yang marami siyang alam na Kundiman sa Tagalog at sa Bisaya dahil sa Bohol siya isinilang at lumaki at inabot pa n’ya roon ang panahon ng harana. 

“’Di ko lang inabot ang panahon ng harana sa Bohol. Ako mismo ay ilang beses ding nangharana,” pagtatapat ng dating aktor na noon ay naghangad din na maging politician. 

“Pero ‘di naman lahat ng hinarana ko ay napasagot ko!” pabirong dagdag n’yang impormasyon. Sa Bohol siya ipinanganak, lumaki, at unang nagkaasawa. Noong lumipat sa Manila ang pamilya ni Cesar, sa Sta. Ana sila tumira, sa pangunguna ng ama n’yang isang abogado. 

Sa virtual presscon, kumanta pa ng dalawang linya si Cesar ng isa sa mga kantang ipinanghaharana n’ya noon. 

Layon ng musical series na Kung Hindi Man na ipakilala sa mga kabataan ngayon ang mga tradisyonal at makabagong Kundiman. Ang mga tradisyonal ay ang mga awiting gaya ng Bituing Marikit, Mutya ng Pasig, Pamaypay ng Maynila.

Ang mga ballad at love song na komposisyon nina George CansecoErnani Cuenco, Ryan Cayabyab, at Louie Ocampo ay itinituring na makabagong Kundiman. 

Libre lang ang panonood ng musical series sa Facebook page ng Office of the President of the Cultural Center of the Philippines simula sa September 25, 6:00 p.m. at sa mga susunod na Sabado hanggang sa Disyembre. 

Ibinunyag na noong press conference na sa pangalawang episode manghaharana si Cesar. 

Mismong ang CCP president na si Arsenio “Nick” Lizaso, ang producer ng serye. Dating direktor si Lizaso ng mga pelikula at TV show, kaya’t malapit siya sa showbiz at pop idols. Malamang ay may iba pang taga-showbiz ang mai-iskedyul na mag-perform sa serye. 

Noong virtual press conference ay nag-perform nang live sina Gian Magdangal, Lara Maigue, at Harry Santos. Wala sa presscon na ‘yon si Arthur. 

Walang gaanong panahon para matanong ng press si Cesar kung may balak na ba siyang magbalik-showbiz. After all, artistang-artista pa rin naman ang itsura n’ya. At ang social behavior n’ya ay pang-showbiz pa rin. 

Kung magbabalik-showbiz si Cesar, hindi na kailangan pang ungkatin ang nakaraan nila ni Sunshine Cruz dahil masayang-masaya na ang aktres sa boyfriend n’yang si Macky Mathay ganoon din naman ang actor sa non-showbiz partner n’ya at may isang anak na sila. 

Dalagang-dalaga na rin ang tatlong anak nina Sunshine at Cesar. 

Meanwhile, lahat ng performances sa serye ay sasaliwan ng world-class na Philippine Philharmonic Orchestra. 

About Danny Vibas

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *