Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cellphones at headsets para sa 10 estudyante (Pa-birthday ni PBGen Baccay) Edwin Moreno
Cellphones at headsets para sa 10 estudyante (Pa-birthday ni PBGen Baccay) Edwin Moreno

Cellphones at headsets para sa 10 estudyante (Pa-birthday ni P/BGen. Baccay)

NAGHANDOG para sa kanyang kaarawan si Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Matthew Baccay ng 10 Huawei T-10 tablets at 10 Sony headsets para sa 10 mahihirap na estudyante sa lungsod ng Pasig, nitong Martes, 21 Setyembre.

Imbes maghanda, pinili ni Baccay na mag-donate sa Brigada Eskuwela at Adopt-A-School program na bahagi ng kanyang programa mula nang manungkulan bilang District Director.

Ginanap ang seremonya sa Nagpayong High School, sa Brgy. Pinagbuhatan, sa nabanggit na lungsod kahapon.

Umani ng pasasalamat ang opisyal mula sa mga magulang ng mga mag-aaral dahil sila ang napiling benepisaryo ng EPD.

Anila, malaking tulong ang natanggap nilang mga gadget lalo sa kanilang online learning.

Nagpaabot ng pagbati ang mga mag-aaral sa kaarawan ni P/BGen. Baccay na malugod niyang tinanggap.

Sa mensahe ni DD Baccay, hinikayat niya ang bawat mag-aaral na gamitin nang maayos ang natanggap na gadget at pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang makatulong sa pamilya. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …