Sunday , November 24 2024
COVID-19 lockdown bubble

2-week MECQ extension, hirit ng PCP

MAHALAGANG iapela at ipabatid kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of Health (DOH) na dapat pang palawigin ng dalawa pang linggo ang ipinatutupad na modified enhanced community quarantine(MECQ) imbes isailalim ang Metro Manila sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) dahil nahihirapan na ang mga healthcare workers sa bansa sa patuloy na pagtaas ng CoVid-19 Delta variant cases.

        Hirit ito ng Philippine College of Physicians (PCP) sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Dra. Maricar Limpin sa panayam sa The Chiefs sa One News kagabi.

“We really need to reach out maybe, the President and even to DOH na sana reconsider ‘yung decision nila to relax community quarantine. At the very least,

i-maintain ang MECQ for two weeks more and then we will try to see ang effect ng two weeks na ‘yan,” pahayag ni Dra. Limpin, sa The Chiefs kagabi.

Inaasahan aniya ang lalo pang pagtaas ng kaso ng CoVid-19 dahil walang ginawang intervention ang gobyerno para mabago ang sitwasyon gaya ng testing, contact tracing, at isolation.

        “Ang kaso naman natin ay hindi bumababa kundi dumarami. Definitely, we expect na darami kasi wala namang ginawang pagbabago sa testing, contact tracing, sa mga isolation intervention natin. Wala tayo talagang ginawang pagbabago and even border control remains to be the same. Ang naging pagbabago lang will always be ‘yung lockdown, ngayon GCQ na,” sabi niya.

Paliwanag ni Limpin, “bukod sa puno na ang mga ospital at pagod na pagod na ang healthcare workers, mababa ang kanilang morale dahil pinababayaan ng gobyerno, at kailangan pang magmakaawa para ipagkaloob ang kanilang benepisyo.”

Binigyan diin ni Limpin, “hindi nararamdaman ng healthcare workers ang ‘taguring bayani’ dahil ‘namamalimos pa sila sa pamahalaan’ para ibigay ang nararapat na benepisyo para sa kanila.” 

“Many of the healthcare workers feel actually neglected primarily because marami sa mga kasamahan namin ay hindi naibibigay ang kanilang benepisyo. I think as far as the morale is concerned, lalong-lalo siguro roon sa medyo maliit na ospital, sila ‘yung hindi nabibigyan ng benepisyo, (medyo) mababa ang morale nila,” sabi ni Limpin.

“To think na supposedly na kami ‘yung sinasabi nila, kami ‘yung heroes, pero hindi naman namin nararamdaman na heroes kami. Naghihintay pa sila ng we have to beg, ‘yun nga ‘yung sinasabi ko matagal na, they should not wait for us to beg. Kawawa naman kami, pagod na pagod na kami,” aniya.

Mabigat aniya ang kanilang kalooban na maraming pasyenteng kailangang tanggihan kasi walang bakanteng kama sa mga ospital kaya’t ang iba’y binawian ng buhay.

“Marami rin kaming kasamahan sa ngayon ay may CoVid-19. It’s not just morale ‘yung bumababa kundi there is also fear among us, particularly itong Delta variant mukhang talagang, it’s not just highly transmissible but more virulent than the other CoVid variants na mayroon tayo.”

Pinuna rin ni Limpin ang granular lockdown na nais ipatupad sa NCR simula bukas na ultimo naghahanapbuhay ay hindi puwedeng maglabas-pasok sa kanyang bahay.

“Given na may ayuda, ang ayuda ba na iyon ay forever like, for example nawalan ng trabaho ‘yung tao dahil hindi nakapasok, masisiguro ba nila na hindi mawawalan ng trabaho ang mga hindi makapapasok ng trabaho?”

“Kung nawalan ng trabaho ang mga tao will they be able to provide necessary financial assistance habang walang trabaho ang taong ‘yun?” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *