Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhen Escaño
Rhen Escaño

Rhen umamin: Maraming maling napagdaanan sa pag-ibig

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

POSIBLE bang ma-in love si Rhen Escano sa lalaking malaki ang agwat ng edad sa kanya? Ito ang tanong sa dalaga dahil ito ang karakter niya sa pelikulang Paraluman na idinirehe ni Yam Laranas produced ng Viva Films.

Hindi ba siya nahirapang makipag-lovescenes sa lalaking may edad sa kanya?

“Honestly noong nakasama ko si Jao (Mapa) sa workshop hindi ko po talaga na-feel ‘yung age different and surprisingly akala ko po mahihirapan ako hindi ko naman po na-feel ‘yun dahil nag-click naman kami kaagad.

“Actually, isang araw lang po ‘yung workshop namin, so naging very cooperative po talaga siya.

“Hindi rin kasi kailangang mag-matter kung ano ‘yung age difference naming dalawa, kung paano po namin trinabaho ang mga eksena namin, ‘yun ang importante roon and I guess nagawa po namin ng maayos ‘yung mga dapat naming gawin sa pelikula at kung ano ‘yung hinihingi ng materyal,” kuwento ni Rhen.

At sa tanong kung posible siyang magkagusto sa mas matanda at may pananagutan na sa buhay, ”At kung mai-inlove ako, I guess depende po sa sitwasyon. Ako importante po sa akin ‘yung wala po akong (tinatapakan) kasi galing po ako sa broken family and naranasan ko po na naghiwalay ang parents ko dahil may mga kanya-kanya silang ano ganoon. 

“So hindi ko suportado talaga ‘yung mga ganoon sitwasyon. Pero kung ako malalagay sa ganoong sitwasyon hindi ko puwedeng sabihin na hindi ko gagawin o gagawin ko. 

“Kasi depende talaga sa sitwasyon kung ano ang nararamdaman mo at nararamdaman mo sa tao o may masisira kang pamilya.

“And I guess ‘yung mga taong nasa ganoong sitwasyon parang nagkakaroon sila ng relasyon sa mas nakatatanda sa kanila, choice po talaga ng mga tao ‘yun and hindi ako puwedeng mag-judge kung ano ‘yung dahilan nila,” paliwanag mabuti ng aktres.

Sa kuwento ng Paraluman, ano ang lesson na mapupulot.

“I guess lahat tayo ‘yung character ko as Mia, I think napagdaanan natin ‘yun. I believe na may pagka-Mia tayong lahat na mai-inlove tayo kapag napi-feel natin ‘yung magic ng love minsan dumaan tayo sa point na hindi natin alam kung tama ba o mali ba.

“Moral lesson is nagkakamali tayo when it comes to love, napagdaraanan natin lahat ‘yun, naging Mia tayong lahat.  At the end of the day matututo tayo and masasabi kong isa ako roon sa natuto kasi marami rin akong pagkakamaling napagdaanan before when it comes to love.

“At marami akong natutunan sa pagkakamali ko at si Mia sa karakter ko rito, may natutunan sa journey niya kaya abangan kung paano siya nag grow,” paliwanag pa ni Rhen.

Anyway, abangan ang Paraluman sa Setyembre 24 sa Vivamax at ang themesong ay kinanta ni Adie.

Mapapanood din ang Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …