Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bentahan ng parol sa Pampanga umarangkada na (Sa pagpasok ng ‘BER months’)

NAGSIMULA nang umarangkada ang bentahan ng parol sa Pampanga, ang tinaguriang Christmas Capital of the Philippines sa pagsisimula ng BER months.

Sinimulan nang i-display ng mga gumagawa ng parol ang kanilang mga tinda, na may iba’t ibang laki at may disenyong tala, poinsettia, reindeer, at iba pa.

Karamihan sa mga parol ay ginamitan ng LED lights, na mas matibay at mas matipid sa konsumo sa koryente.

Ngunit kompara sa mga nagdaang taon, matamlay pa ang bentahan ng mga parol ngayon epekto ng pandemya sa lantern industry sa lalawigan.

Ayon sa isang lantern maker, nasa 40 porsiyento ang ibinaba ng kanilang benta dahil sa pandemya.

Gayon pa man, hindi pa rin umano kompleto ang Pasko kung walang mga parol, na mabibili mula P1,000 pataas depende sa disenyo at laki.

Umaasa ang mga lantern maker na matatapos rin ang pandemya at muling mararamdaman ang masayang Pasko.

Ipinagmamalaki ng Pampanga ang industriya ng paggawa ng parol na pinaniniwalaang nagsimula noon pang 1908 at ginawa ni Francisco Estanislao gamit ang kawayan at makukulay na papel de Hapon.

Ang mga parol ay salamin ng katatagan ng mga Filipino at nakaranas man ng dilim, muling sisigla at magniningning, para maiparamdam ang saya sa gitna ng umiiral na pandemya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …