Saturday , May 10 2025
dead gun police

Nag-hunger strike vs condo management NUPL lawyer itinumba

PATAY ang isang beteranong abogado nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa kahabaan ng R. Duterte St., Brgy. Guadalupe, sa lungsod ng Cebu, nitong Huwebes ng hapon, 26 Agosto.

Kinilala ni P/Maj. Jonathan Dela Cerna, hepe ng Guadalupe Police Station, ang biktimang si Atty. Rex Jose Mario Fernandez, 62 anyos, sakay ng kanyang kotse nang barilin ng lalaking inaabangan siya sa kanto dakong 4:10 pm.

Samantala, dinala sa pagamutan upang lapatan ng atensiyong medikal ang driver ni Fernandez na tinamaan ng bala ng baril sa katawan, habang ligtas ang babaeng sakay sa likod na bahagi ng kotse na tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan.

Nakuhaan ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar na mag-isa ang suspek na nakasuot ng pulang jacket at agad na sumakay sa getaway na motorsiklong minamaneho ng isa pang tao.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang hindi bababa sa anim na basyo ng bala ng kalibre .45 pistola.

Sa talaan, nasa 15 abogado na ang napapatay sa Cebu simula noong taong 2004.

Noong 23 Nobyembre 2020, pinaslang din ang abogadong si Joey Luis Wee habang papasok ng kanyang opisina mula sa kanyang kotse sa Brgy. Kasambagan, sa naturang lungsod.

Samantala, kinondena ni Atty. Edre Olalia, pangulo ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), ang pamamaslang kay Fernandez, na isa sa founding member ng grupo noong 2007 at abogado ng human rights organization na Karapatan.


Ayon kay Olalia, maraming kaso ng mga aktibista ang nahawakan ni Fernandez.

Aniya, kahit hindi na aktibo si Fernandez sa NUPL, nakikipagtulungan pa rin siya sa mga kapwa human rights lawyers.

Noong 13 Agosto, nagsagawa si Fernandez ng “hunger strike” matapos siyang putulan ng serbisyo ng tubig ng pamunuan ng condominium kung saan siya nakatira kahit nakakuha siya ng injunction mula sa developer.

Naglagay siya ng tent sa condominium entrance sa Brgy. Subangdaku,sa lungsod ng Mandaue, upang maipahayag ang kanyang mga sentimiyento sa pamamagitan ng media.

Sa isang naunang panayam, sinabi ni Fernandez na siya ay nag-hunger strike upang maipahatid ang kanyang mensahe sa Contempo Property Holdings Inc., developer at management ng condominium, na ang pagputol sa serbisyo ng tubig sa kanyang unit dahil sa hindi pagbabayad ng condominium corporation dues ay paglabag sa kanyang karapatang mabuhay.

Ayon sa kinatawan ng developer, kailangan magbayad ang mga residente ng condominium corporation dues upang masustenahan ang kanilang operasyon.

Simula noong tumira si Fernandez sa kanyang condo unit noong 2018, sinabi ng abogado na pinagbabayad siya ng management ng condominium corporation dues na nagkakahalga ng P90 kada square meter o P3,240 kada buwan.

Kinuwestiyon ito ni Fernandez at humingi ng listahan at kuwentada ng kanyang condominium dues ngunit hindi umano tumugon ang management kaya hindi na nagbayad ang abogado simula noon.

About hataw tabloid

Check Also

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic …

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *