Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maymay bumili ng bahay sa Japan

USAPING Japan, malapit talaga sa mga Pinoy ang nasabing bansa dahil bukod sa maraming nagpupunta at doon na rin naninirahan ay may mga nakapagpundar na rin sa kanila tulad ni Pinoy Big Brother Lucky Season 7 winner, Maymay Entrata.

Naikuwento ito ng dalaga sa panayam niya sa Magandang Buhay kamakailan na nakabili sila ng kapatid niya ng bahay sa Japan para hindi na mag-rent ang nanay niyang nagtatrabaho roon.

“Isa ‘yon sa sukli ko sa mga sakripisyo na ibinigay niya sa akin simula noong nawalay siya sa akin. Napakalaki kasing sakripisyo ang mawalay ka sa anak mo. 

“Habang tumatanda ako, lalo kong naiintindihan bakit niya nagawa ‘yon, bakit siya malayo sa akin kahit kailangan ko siya. Para lang din maibigay ang pangangailangan ko sa araw-araw. 

“Masayang-masaya ako na parang ito ang oras ko para maibalik ko ang sakripisyo na ibinigay niya para sa akin,” kuwento ng dalaga.

Limang taon na sa showbiz si Maymay at sandali palang ay heto may mga investment na siya at ipinagdiwang ng kanyang supporters ang anibersaryo niya pero hindi siya nakapunta sa studio dahil nagkaroon ng kaunting side effect nang bakunahan siya kontra COVID-19

“Gusto ko lang po magpasalamat ng sobra-sobra dahil sa pagmamahal at genuine na support niyo po sa akin since day one po. 

“Maraming salamat dahil kahit anong nangyari ay nararamdaman ko na karamay ko kayo dahil tayo nga po ay Kapamilya. Lagi kong iti-treasure ‘yon talaga saan man ako mapunta,” pahayag ni Maymay.

“Itong napaka-espesyal na journey na ito ay hindi ako magsasawang i-share siya sa mga tao at sa mga nagsisimulang nangangarap na katulad ko. Maraming salamat,” dagdag pa ng dalaga.

At heto pa, hindi lang umaarte si Maymay sa harap ng kamera kundi kumakanta na rin at soon, ay may collaboration project sila ni Robi Domingo.

Say ng TV host, “Si Maymay and I will be co-producing a certain show very, very soon.”

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …