Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Gela Atayde #BENCHPlus Bench
Sylvia Sanchez Gela Atayde #BENCHPlus Bench

Sylvia Sanchez bench endorser na — Kung kailan ako tumanda at saka ako nagkaganyan

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

CELEBRATE every body.’ Ito ang tagline ng Bench clothing na ipinost sa Instagram account ng clothing apparel na ang mag-inang Sylvia Sanchez at Gela Atayde ang latest endorser.

Ang caption ng video ng mag-ina, ”No more wondering if the styles you love come in your size. Extended sizes are now available in-stores and online with #BENCHPlus.”

Masaya si Ibyang (tawag kay Sylvia) sa pagiging parte ng Bench family na may bonus pa dahil kasama ang anak.

Hindi ini-expect ni Sylvia na bagamat may edad na, bukod pa sa nadagdagan ng timbang ay kukunin siya ng Bench. Naglabas pa talaga ang clothing apparel ng ‘bench plus’ campaign kaya pasok siya plus si Gela.

Sabi nga ni Ibyang, ”Kung kailan ako tumanda at saka ako nagka-ganyan.” Na ang gustong tukuyin ng magaling na aktres ay ang pagkakuha sa kanya ng Bench para maging endorser.

Artistahin si Gela, pero hindi feel pasukin ang pag-arte tulad ng ate at kuya niyang sina Arjo at Ria Atayde dahil mas type ng dalaga ang humataw sa dance floor na ilang beses na ring nanalo ang grupo nilang Encienda sa iba’t ibang international dance festival.

Going back to Sylvia, magkakaroon sila ng billboard hindi palang niya alam kung saan.

Dalawang taon ang kontrata nila ni Gela sa Bench. Sayang nga kung wala lang COVID-19 pandemic tiyak na rarampa ang mag-ina sa fashion week na taon-taon ay ginagawa ni Ben Chan.

Samantala, bukod sa bagong endorsement, isa pang nagpapasaya kay Sylvia ay ang pagiging nominado sa pagka-Best Drama Actress sa nalalapit na 34th PMPC Star Awards for TV para sa teleserye niyang Pamilya Ko na ipinalabas sa ABS-CBN noong Setyembre 2019 hanggang Marso 2020. 

Ang ganda naman talaga ng Pamilya Ko series na kung hindi lang siguro nagkaroon ng pandemya ay malamang na-extend ito ng ilang buwan pa.

Anyway, kasalukuyang nagte-taping ngayon ang aktes para sa seryeng Huwag Kang Mangamba na napapanood ngayon sa A2Z, TV5. at Kapamilya channel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …