Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine nanghinayang sa ‘di pagdalo sa 40th Oporto Int’l Filmfest

“AATEND na ako kapag na-nominate uli ako, sayang eh.” Ito ang panghihinayang na nasabi ni Cristine Reyes dahil hindi siya nakadalo sa katatapos na 40th Oporto International Film Festival sa Porto, Portugal noong March 2020 na itinanghal siyang Best Actress.

Kinilala ang galing ni Cristine mula sa pelikulang Untrue ng Viva Films kasama si Xian Lim na ipinalabas noong 2019.

“Too bad kasi hindi ako nakasama. Parang hindi ko rin kasi ine-expect na (mananalo). Parang feeling ko, ‘hindi naman siguro ako mananalo.’ Sabi ko,‘parang malabo.’

 “So, I didn’t go. But I guess Direk Sigrid Bernardo went,” ani Cristine sa face to face presscon ng Viva na ginanap sa Botejyu Estancia Mall para sa kanilang series ni Diego Loyzaga, ang Encounter.

Talagang nanghinayang si Cristine na hindi siya nakadalo lalo’t ito ang unang best actress trophy niya at tinalo ang mga kalaban na karamihan ay mga aktres mula sa Europe.

“Sayang, tinatanong ako ng Viva if I wanted to go to Portugal. Tapos hindi ako sumama. Next time, pupunta na ako,” paniniyak ng aktres.

 Samantala, sa July 23 na mapapanood via streaming ang Encounter nila nina Cristine at Diego sa VivamaxPH at Vivamax Middle East (UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar). Available ang Vivamax sa web.vivamax.net.

Ang Encounter na napapanood na sa TV5 tuwing Sabado, 9:00 p.m. ay ang Pinoy adaptation ng hit Korean series na pinagbidahan nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum. Ang Pinoy adaptation naman ay idinirehe ni Jeffrey Jeturian.

– Maricris V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …