Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Duterte Willie Revillame

Willie may sagot na kay Duterte; Wowowin hiling na ‘di mawala

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ISA sa mga araw na ito ay kakausapin na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte si Willie Revillame para sa hiling nitong kumandidato sa 2022 election.

Base kasi sa nakita ni PRRD, mahal na mahal si Willie ng masa dahil sa mga nagagawa nitong pagtulong lalo na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020 na galing mismo sa bulsa nito ang ipinamahaging tulong.

Kaya naniniwala ang Pangulo na malaki ang tsansa ng TV host na manalo sa darating na eleksiyon.

Kaya pala nitong nakaraang linggo ay nagpahayag si Willie na may malaki siyang anunsiyo ngayong linggo at nagpahayag na rin na sana hindi mawala ang Wowowin kapag hindi na siya ang host.

Ayon sa aming source, abot-abot ang panalangin ni Willie na sana bigyan siya ng mga senyales bago siya kausapin ni Presidente Duterte para alam niya ang isasagot.

Dahil ilang beses nang tinanggihan ni Willie ang alok sa kanyang kumandidato sa unang pag-uusap palang nila na sinabihan siya ng pangulo na pag-isipang mabuti ang alok at saka sila muling mag-usap.

At ngayong linggo nakatakdang mag-usap sina Willie at Pangulong Duterte kaya abangan ang final answer ng TV host isa sa mga araw na ito.

Base naman sa mga nababasa naming komento, marami ang may gustong kumandidato si Revillame para mas malawak pa ang tulong na maihahatid nito sa mga kababayan niya lalo na ‘yung mga nasa liblib na lugar sa buong Pilipinas.

May mga naririnig din kaming mas okay na nasa TV na lang si Willie dahil madali siyang makausap o maabot ng masa dahil kapag nasa puwesto na siya ay baka marami pang pagdaraanan bago makarating sa kanya ang problema.

Well, parehong may punto ang mga nabasa namin, at the end of the day, si Willie ang may final say.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …