Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

My Amanda nina Piolo at Alex mapapanood na sa Netflix

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

LUMIPAD patungo sa opisina ng Netflix sa Sunset Bronson Studios, Sunset Blvd, Los Angeles, CA United States sina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi para roon planuhin ang marketing strategy ng pelikula nilang My Amanda na may global premiere ngayong Hulyo 15.

Sa Netflix unang mapapanood ang My Amanda na isinulat at idinirehe ni Alessandra at leading man niya si Piolo produced ng Spring Films kaya lumalabas na orihinal ito ng nasabing streaming platform.

Nang ialok ito ng Spring Films sa Netflix ay kaagad itong binili dahil mabenta sa kanila si Alessandra dahil nag-number one ang pelikula nitong Through Night and Day na ipinalabas noong 2018 at naipalabas naman sa nasabing steaming platform nitong Hulyo, 2020.

Bukod dito ay isa rin sa highest views sa Netflix ang Kita Kita nina Alessandra at Empoy Marquez na base sa kuwento ng Spring Films CEO at Presidente na si Erickson Raymundo ay gustong-gusto nga ang aktres.

“Ang bilis nilang mag-decide noong i-present namin ang ‘My Amanda’ after nilang mapanood kaya nakakatuwa.”

At dahil dito ay inimbitahan sina Piolo at Alessandra ng Netflix para sa marketing plan ng pelikula nila.

Ipinost ni Piolo ang larawan nila ni Alessandra sa kanyang IG account na parehong nakatalikod kamakailan na ang caption ay, ”Our whirlwind romance finally ends here:) To my Fream, thank you for flying all the way to the States to give birth to our baby, your selfless love and beautiful heart will finally be seen and experienced by the world thank you so much @netflix for taking us in and for the wonderful stay in LA:) @msderossi isa kang legend! Salamat sa pagmamahal at tiwala #myamanda coming out on july 15 🙂 #globallaunch.”

Sinagot naman ito ni Alex ng, ”Kiss me peej,  I love you! Salamat sa tiwala! @netflixph.”

At sa kanyang Instagram account ay ipinost din ng aktres ang larawan nila ni Piolo na inaayos nito ang buhok ng aktor habang nakaupo sila pareho sa direktors chair na tila naghahanda para sa pictorial.

Caption ni Alessandra, ”Thank you @netflixph! Salamat sa tiwala! Salamat Fuffy for my whirlwind romance @piolo_pascual. But this it na talaga! #myamandaonnetflix”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …