KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
ANO naman ang naramdaman ni Bea sa paglipat n’ya sa Kapuso Network?
Ayon sa 33-year-old actress, halo-halo ang nararamdaman n’ya pero positibo siya sa bagong yugto na ito ng kanyang buhay.
Pahayag niya, ”Sa totoo lang, masayang-masaya ako. Hindi ko maipaliwanag ang feeling.
“Parang ang tagal ko nang hindi ulit ‘to nararamdaman, this type of… parang may uncertainty.
“But it’s a good time of uncertainty. ‘Yung parang it’s a very, very good challenge… para sa akin.
“Parang mananatili ito hanggang pagtulog ko ngayong gabi.”
Nagsalita si Bea nang live gamit ang GMA Network Instagram account noong Huwebes ng gabi, July 1.
Noong umaga ng July 2 ay pumirma na siya exclusive contract sa GMA Network, kasama ang GMA executives, sa EDSA Shangri-La Hotel. Sinundan ito ng online interview with the entertainment press.
Heto ang mga tsika ni Bea sa entertainment press:
“Change is always terrifying, ‘di ba? Change is scary but it can also lead us to a place where we can grow, where we can learn.
“Parang may rebirth of some sorts. Parang there is another side of me that was born.”
May spiritual aspect din daw ang paglipat n’ya at pagpirma ng bagong kontrata.
Lahad n’ya: ”To be honest, para rin akong guided today throughout this whole journey. I feel His presence.
“Parang everything is falling into place para sa akin.
“And gusto ko lang i-share the excitement that I feel right now—both excitement and calm. Parang there is a sense of pagiging calm today.”
Binanggit din ni Bea na marami sa kanyang mga dating katrabaho ang nagpadala ng mensahe at pagbati.
“I have been getting messages from friends, from colleagues ko before.
“And I have been getting a lot of words of encouragement, so thank you.”
Nagpasalamat din siya nang lubos sa fans n’ya na hindi siya iniwan.
Aniya: ”Thank you dahil sinusuportahan niyo ako dito sa bagong yugto ng buhay ko, bagong chapter.
“We are flipping the book and we are here sa bagong chapter ng buhay ko—both exciting and scary.
“Pero, ‘di ba, mas masarap na may nararamdaman na ganoon because it makes you feel alive.
“So, I feel alive now.”
Pero ipinagtapat din ni Bea na magbabakasyon muna siya sa U.S. at sasabak agad sa trabaho pagkauwi niya ng Pilipinas.
Pagbalik mula sa U.S., iikot si Bea sa mga programa ng GMA-7 kagaya ng Unang Hirit, Mars Pa More, at All-Out Sundays.
Nag-message mismo sa kanya ang Mars Pa More hosts na sina Camille Prats at Iya Villania, na dati ring Kapamilya stars.
Sa puntong iyon, may inihinirit si Bea kaugnay kay John Lloyd Cruz, na napapabalitang gagawa rin ng proyekto sa GMA-7.
Sabi ni Bea, “Malay mo, makapag-guest na ‘ko sa bagong show ni John Lloyd na sitcom!” sabay tawa ng aktres.
“Sana…”
Kabilang sa nakapilang gagawin ni Bea ay ang pagsasamahan nilang pelikula ng Kapuso prime star na si Alden Richards.
Pagkatapos nito, isang malaking primetime series ang pagbibidahan ni Bea sa Kapuso Network.
“Exciting times kasi, after my movie with Alden, I might start the soap already sa GMA.”
Nagpigil si Bea na magbigay ng iba pang detalye, pero may clues siyang ibinigay.
“Hindi ko pa masabi kung anong soap… bawal pa. Sayang.
“Pero excited na excited na akong sabihin. Kaya lang, sabi nila, that would call for another mediacon, ‘yung announcement.
“Because it’s a very big title. Hindi pa namin pwedeng sabihin, at hindi ko pa rin pwedeng sabihin kung sino ang makakasama ko.
“But after my movie with Alden, that should start already, and it shall air soon sa primetime ng Kapuso Network.
“So, sana abangan ninyo ako.”