Tuesday , December 24 2024

Kun Maupay Man It Panahon ni Daniel may world premiere sa Locarno FilmFest 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KASAMA sa official selection ng ika-74 na Locarno Film Festival sa Switzerland ang isa sa ipinrodyus ni Atty. Joji Alonso for Quantum Film na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Ms Charo Santos-Concio na idinirehe ni Carlo Francisco Manatad, ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) na magkakaroon ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section.

Ang Kun Maupay Man It Panahon ang nag-iisang competing film mula sa Pilipinas ngayong taon sa Locarno, isang A-List international film festival na nagsisilbing platform para sa auteur cinema. Ang Cineasti del Presentesection para sa una o ikalawang feature film ng emerging global talents ay igagawad ang Pardo d’oro at award para sa directing pati na rin ang mga parangal para sa Best Actor at Best Actress.

Ang kuwento na nasa Waray dialect ay tungkol sa pinsalang dulot ng Bagyong Yolanda (Haiyan) sa Tacloban, Leyte noong Nobyembre 2013.

Isinulat ang Kun Maupay Man It Panahon ni Manatad na taga-Tacloban kasama sina Giancarlo Abrahan V at Jérémie Dubois. Ang mga producer nito ay sina Josabeth Alonso, Vincent Wang, at Armi Rae Cacanindin na sinabing, “After seven years, finally, we’ve come to this!”

Noong 2019, pinili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Kun Maupay Man It Panahonpara sa FDCP Project Market habang noong 2021, pinili ito ng FDCP Film Philippines Office upang tanggapin ang International Co-production Fund (ICOF) na may halagang PHP 2.5-M.

We are tremendously proud of the journey of ‘Kun Maupay Man It Panahon,’ which is a milestone in Philippine regional cinema. FDCP is honored to have supported Carlo Francisco Manatad’s journey from the development and production of this project until now when it’s ready to be shown to the world. We thank Locarno for giving it a world premiere and express our heartfelt gratitude to all international film labs, programs, and organizations for believing in and extending support to a Filipino regional film,” pahayag ni FDCP and Chairperson and CEO Liza Diño.

Ang production companies sa likod ng Kun Maupay Man It Panahon ay Cinematografica, planc., iWantTFC, Globe Studios, Black Sheep, Quantum Films, and CMB Films mula sa Pilipinas, House on Fire mula sa France, AAND Company mula sa Singapore, KawanKawan Media mula sa Indonesia, at Weydemann Bros. mula sa Germany.

Napili rin ang Kun Maupay Man It Panahon ng Sorfund Pitching Forum, Talents Tokyo, Cannes Cinefondation L’Atelier, at Hanoi Project Market at developed ito sa La Fabrique des Cinema du Monde, Torino Film Lab Feature Lab 360, Semaine de la Critique Next Step, at EAVE Ties that Bind.

Nakatanggap din ito ng suporta mula sa Aide aux cinemas du monde na managed ng Centre national du cinema et de l’image animee at Institut francais, Torino Film Lab | Creative Europe – MEDIA Programme of the European Union, Brot fur die welt – Bread for the World Protestant development service, Visions Sud Est na suportado ng SDC (Swiss Agency for Development and Cooperation), Doha Film Institute, Asian Cinema Fund for Script Development, Talents Tokyo Next Masters Support Program, at Berlinale World Cinema Fund, isang initiative ng German Federal Cultural Foundation at Berlin International Film Festival ng may pakikipagtulungan sa Federal Foreign Office at may karagdagang suporta mula sa Goethe-Institut.

Ang Kun Maupay Man It Panahon ay co-producers nina Ling Tiong, Yulia Evina Bhara, Milena Klemke, Yvonne Wellie, Jakob D. Weydemann, at Jonas Weydemann habang executive producers sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Roldeo Endrinal, Jamie Lopez, Ginny Monteagudo-Ocampo, Olivia Lamasan, Quark Henares, Jan Pineda, Alonso, Cacanindin, at Arleen Cuevas.

Ang Locarno Film Festival, na idaraos mula Agosto 4 hanggang 14, ay nagpapalabas ng arthouse films mula noong 1946. Noong 2015, nagkaroon ng premiere ang short film ni Manatad na Junilyn Has sa Pardi di Domani section ng Locarno.

 

 

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *