Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kenken Nuyad thankful sa Balangiga 1901, after almost 2 years may project muli

SOBRA ang kagalakan ng award-winning child actor na si Kenken Nuyad dahil after two years ay may project siyang muli.

Saad ni Kenken, “Nagpapasalamat po ako nang sobra kay Lord, ang tagal ko po kasing walang project. Bale ang last ko po ay sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, noong ikinasal po sina Miss Lily (Lorna Tolentino) at Mr. President (Rowell Santiago), noong 2019 pa po.”

Dagdag pa niya, “Kaya very thankful po ako, kasi ngayon po pandemic po ngayon at nabigyan ako ng work. Plus, nakatrabaho ko po rito ang mga respetadong artista po.”

Tampok sa pelikula sina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Mark Neumann, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Jao Mapa, Ricardo Cepeda, Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Rob Sy, at iba pa. Ito’y sa panulat at direksiyon ni Danny Marquez.

Nagpasalamat din si Kenken sa direktor nila sa pelikulang ito.

Wika ng mahusay na child actor, “Sobrang mabait po si Direk Danny at hanga po siya, kasi one take po ako sa aming iyakan scene. Kaya sobrang nagpapasalamat po ako kay Direk Danny, pati po kay ate Jaya (Maryjane Calapatia), ipi-nush po niya talaga ako sa movie na ito.”

Si Kenken ay nasa pangangalaga ngayon ng Star A’s Academy Talent Production Incorporated na pag-aari ni Art Halili Jr.

Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …